Kyline sa loyal 'sunflowers': Iba sila dumepensa at magprotekta!

Kyline sa loyal ‘sunflowers’: Iba talaga sila dumepensa at magprotekta!

Ervin Santiago |March 20,2024
facebook
share this

Kyline sa loyal ‘sunflowers’: Iba talaga sila dumepensa at magprotekta!

Ervin Santiago - March 20, 2024 - 09:32 AM

Kyline sa loyal 'sunflowers': Iba talaga sila dumepensa at magprotekta!

Kyline Alcantara

HANGGA’T maaari ay hindi na tumatambay nang matagalan sa social media ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Regular naman siyang nagpo-post ng mga kaganapan sa kanyang showbiz career at ilang detalye about her personal life.

Pero ayon sa dalaga, hindi na siya masyadong nagbabasa ng mga comments sa social media lalo na kapag alam niyang puro nega at hate message lang ang ipino-post ng mga netizens.

Binawasan din niya ang pag-i-scroll sa kanyang social media accounts para iwas-stress na rin dahil nga medyo toxic na talaga ngayon sa Internet world.

“I actually don’t scroll on social media nowadays,” ani Kyline kasunod ang pagpapasalamat sa kanyang loyal fans na mas kilala ngayon bilang “Sunflowers.”

Baka Bet Mo: Edu Manzano iiwasan ang airline ng pilotong nang-akusa kay VP Leni

“Pero maraming salamat, I feel so grateful and loved, kahit anong mangyari iba talaga ang aking mga Sunflowers that’s why I love them so much, iba sila dumepensa at magprotekta,” sabi pa ni Kyline.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara)


Regular na napapanood ngayon si Kyline sa “All-Out Sundays” kung saan naipakikita niya ang kanyang talento sa pagsasayaw, pagkanta at pagpe-perform on stage. Tulad na lang last Sunday kung saan binigyan nila ng tribute ang apat na Sang’gre ng “Encantadia.”

“Ang sarap po sa pakiramdam dahil sobrang nae-enjoy ko na kasama ang All-Out Sundays barkada.

Baka Bet Mo: Utol ni Dominic may nilinaw kay ‘Ate Bea’, ayaw makisawsaw sa hiwalayan

“I feel so grateful kasi isang magandang journey para sa amin ito.

“Kasi magkakaroon kami ng apat na episodes na pinaghahandaan talaga namin lahat and magiging collaborative sa mga artists, the production, with the crew, with the writers. So, exciting!” sabi pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Very soon ay mapapanood din ang aktres sa Pinoy version ng hit classic K-Drama na “Shining Inheritance”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending