Mavy Legaspi 'di kinaya ang pagiging selosa ni Kyline Alcantara?

Mavy Legaspi ‘di raw kinaya ang pagiging selosa ni Kyline Alcantara?

Therese Arceo |December 08,2023
facebook
share this

Mavy Legaspi ‘di raw kinaya ang pagiging selosa ni Kyline Alcantara?

Therese Arceo - December 08, 2023 - 07:40 PM

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

IDINETALYE ng kolumnistang si Cristy Fermin ang dahilan ng umano’y hiwalayan ng Kapuso stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” na ipinalabas noong Lunes, December 4, naikuwento ng kolumnista ang inilahad sa kanya ng kanyang source ukol sa relasyon ng dalawa.

“Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure nitong si Kyline Alcantara. Hinahawakan daw siya sa leeg,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Wala namang lalaking papayag nang ganoon. Kaya ka nga nakikipagrelasyon para maging masaya at maligaya ka, e,” sabi pa niya.

Baka Bet Mo: Kyline Alcantara may bagong cryptic post, hiwalay na nga ba kay Mavy Legaspi?

https://www.instagram.com/p/CsGlg5KP95v/

Kamakailan rin ay usap-usapan kung ano na nga ba ang real score sa pagitan nina Mavy at Kyline dahil kahit wala pa silang kumpirmasyon kung in a relationship na nga ba sila ay bulung-bulungan na ang kanilang break up.

Kyline Alcantara and Carmina Villarroel’s cryptic post

Ito ay nagsimula nang biglang maglabas ng mga cryptic posts ang Kapuso actress sa kanyang X account ng “I knew it.”

Mas naging maugong pa ang chikang wala na ang dalawa nang maglabas ng mensahe ang ina ni Mavy na si Carmina Villarroel para sa kanyang kambal.

Chika ng mga netizens, mukhang may kinalaman ito sa chikang hiwalayan ng dalawa.

“Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds,” saad ni Carmina.

Dagdag pa niya, “Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best.”

Baka Bet Mo: Mavy gumawa ng tula at kanta para kay Kyline; Bea kilig na kilig

 

Kasunod naman ito ng cryptic post ni Kyline patungkol sa “keeping quiet”.

Saad ni Kyline, “I was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realized, [whose] peace is it keeping.”

Hanggang ngayon ay nananatili pa ring tahimik at wala pa ring pahayag sina Mavy at Kyline ukol sa isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, may mga kumakalat ba chikang maglalabas ng joint statement ang dalawa ukol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending