Daniel Padilla umiiyak, sinubukang bumalik kay Kathryn Bernardo

Daniel Padilla umiiyak, sinubukang bumalik kay Kathryn Bernardo, sey ni Cristy Fermin

Therese Arceo |December 07,2023
facebook
share this

Daniel Padilla umiiyak, sinubukang bumalik kay Kathryn Bernardo, sey ni Cristy Fermin

Therese Arceo - December 07, 2023 - 07:57 PM

Daniel Padilla umiiyak, sinubukang bumalik kay Kathryn Bernardo, sey ni Cristy Fermin

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel)

NAKARATING sa kolumnistang si Cristy Fermin na sinubukan pa raw ni Daniel Padilla na makipag-ayos kay Kathryn Bernardo bago tuluyang nagtapos ang kanilang relasyon.

Sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na” kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez, napag-usapan nila ang ilang detalye bago tuluyang naghiwalay ang dalawa.

Base sa kwento ng source ni Cristy, September raw nang umiyak at sinubukang bumalik ni Daniel sa kanyang longtime girlfriend.

Panimula ni Cristy, “Meron akong source na nagkuwento sa akin kung paano at bakit nagsabi na si Kathryn sa kanyang mga magulang tungkol sa kanila ni Daniel.”

Aniya, tama raw ang kanilang timeline at August pa lang nang mapansing mas nagiging komportable si Kathryn sa pagsusuot ng dami na medyo kita na ang kanyang skin.

“September, si Daniel pabalik-balik daw na umiiyak [at] bumabalik kay Kathryn pero matigas na ang puso ni Kathryn Bernardo dahil ang dami-dami nang nakakarating sa kanyang mga kuwento na ang iba ay dinismiss niya sa kanyang isip at puso pero ‘yung iba, pinahalagahan niya,” pagpapatuloy ni Cristy.

Baka Bet Mo: Romnick sa hiwalayang Kathryn-Daniel: ‘Wala akong kakampihan, pero…’

Ilang beses nga raw na pabalik-balik si DJ kay Kathryn upang suyuin at pakiusapan ito ngunit wala na raw talaga.

Noong mga panahong ‘yun raw ay hindi aware ang mga magulang ni Kathryn sa mga nangyayari sa kanila ni Daniel.

“Hindi nagsasabi si Kathryn. Napansin na lang daw ni Tita Min at saka ng father niya na hindi halos makakain. Laging malungkot tapos nakita ng mommy na umiiyak. Naka-relate ‘yung ina, may problema.

“Doon na bumigay si Kathryn. First time na nagsabi sa kanyang ina [sa nangyayari sa kanila ni Daniel]. Ganoon naman talaga eh ‘di ba kapag meron tayong karelasyon, pilit nating pinagaganda ang imahe. Best foot forward ‘ika nga,” lahad pa ni Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Baka Bet Mo: Rendon Labador type gawing punching bag si Daniel, may proposal kay Kathryn

At tuluyan na ngang naiyak ang dalaga sa kanyang ina at ikinuwento kung ano ang tunay na problema sa pagitan nila ng aktor.

“Ang daming nakakarating kasi kay Kathryn tungkol kay Andrea Brillantes… ‘Yung paglipat kasi ng condo ni Daniel, matagal na ‘yun pero ang kwento nga, doon daw nagpupunta si Blythe, parang ganoon ang nangyayari noon,” sey pa ni Cristy.

Nabanggit pa nga nila ang sinabi ng ex-boyfriend ni Andrea na si Ricci Rivero kay Bea Borres matapos nitong mag-react sa kanyang pag-amin sa tunay na relasyon nila ni Leren Mae Bautista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya nakakalungkot na kinakailangan pang mag-suffer talaga ng mahabang panahon. Hangga’t maaari binubuo niya siguro sa kanyang isip at puso ‘yung pagsusumamo ni Daniel. Mahal niya e,” chika pa ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Kapag minsang ginawa ng lalaki, maaari pang maulit.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending