Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada: Magharap-harapan kami

Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada: Magharap-harapan kami ng aking source

Therese Arceo |November 29,2023
facebook
share this

Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada: Magharap-harapan kami ng aking source

Therese Arceo - November 29, 2023 - 12:57 PM

Cristy Fermin hinamon si Karla Estrada:  Magharap-harapan kami ng aking source

Cristy Fermin at Karla Estrada

HINAMON ng kolumnistang si Cristy Fermin ang TV host-actress na si Karla Estrada na harapin siya kasama ang kanyang source.

Ito ay may kaugnayan sa pagdedenay ni Karla sa kanyang naiulat sa “Showbiz Now Na” ukol sa pag-amin nito sa kanyang source na totoong hiwalay na ang kanyang anak na si Daniel Padilla sa long time girlfriend nitong si Kathryn Bernardo.

Matapos itong ibalita ni Cristy ay nag-post si Karla sa kanyang Facebook account at pinabulaanan ang naturang showbiz report ng showbiz columnist.

Dahil dito ay nakipag-ugnayan ang Bandera sa “Showbiz Now Na” host matapos mag-post ang ina ni Daniel.

Sabi ni Cristy, “Anak, hindi ko na problema ‘yun! Ang pinakamaganda, magharap-harap kaming tatlo ng kaibigan niya na pinagsabihan niya. ‘Yun lang!”

At nitong Martes nga ay muli nilang napag-usapan ang kanyang pahayag ukol sa isyu at sinabing may isang kolumnista ang lumapit sa kanya upang hingin ang kanyang statement.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin: May ilalaban ‘yung Andrea, wala talagang binatbat si Kathryn

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang sabi ko sa kaniya [kolumnista], hindi na ako makikipag-argumento pa. Ang pinakamaganda dyan, magharap-harapan kami ng aking source at saka siya,” saad ni Cristy.

Pagpapatuloy niya,”Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada para malaman na natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghaharap-harap.”

Inilahad rin ni Cristy na may sinusunod na utos sa linya ng pagsusulat ang tungkol sa mga “source”.

“Kami pong mga manunulat…may mga unwritten rule dito po sa aming trabaho na hindi kami talaga nagda-divulge ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kung kinakailangan talaga na magharap-harap kami at ipagpipilitan ni Karla Estrada na hindi siya ang nagsasabi na hiwalay na si Kathryn at si Daniel, doon kami mauuwi talaga,” giit pa ni Cristy.

Wala pa namang pahayag si Karla hinggil sa hamon sa kanya ng kolumnista para patunayan ang katotohanan ukol sa tunay na estado ng relasyon nina Daniel at Kathryn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending