Cristy Fermin bet patalsikin sa TV5 ng mga fans nina Vice, KatNiel

Cristy Fermin bet patalsikin sa TV5 ng mga fans nina Vice Ganda, KathNiel

Therese Arceo |November 28,2023
facebook
share this

Cristy Fermin bet patalsikin sa TV5 ng mga fans nina Vice Ganda, KathNiel

Therese Arceo - November 28, 2023 - 08:16 PM

Cristy Fermin bet patalsikin sa TV5 ng mga fans nina Vice Ganda, KathNiel

Cristy Fermin

NAGSANIB pwersa ang mga tagasuporta ng Kapamilya stars na sina Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla sa panawagan na tanggalin na sa TV5 si Cristy Fermin.

Ito ay may kinalaman sa mga inilalabas na balita ukol sa mga naturang artista sa kanyang programang “Cristy Ferminute” pati na rin sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Now Na”.

Sa katunayan ay nag-trending ang kolumnista sa X (dating Twitter) matapos mag-viral ang kanyang mga naging pahayag laban sa Unkabogable Star at sa pagsabing “hindi tunay na babae” ang komedyante.

At dahil nga marami sa mga fans ni Vice ang gigil na gigil sa mga sinabi nito kamakailan sa kanyang programa laban sa “It’s Showtime” host, nagdesisyon ang mga fans lalo na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community na kalampagin ang TV5 kung saan ipinapalabas ang kanyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Narito ang mga pahayag ng netizens sa X (dating Twitter).

Baka Bet Mo: Cristy Fermin: May ilalaban ‘yung Andrea, wala talagang binatbat si Kathryn

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“MANAWAGAN KAY MA’AM LUCHI at SIR GUIDO ng TV5, patanggalin na si CRISTY FERMIN SA NETWORK NINYO. ALAM NAMAN KASI, YUNG CRISTY FERMINUTE KASI SA RADYO AT TV, PURO NAMAN KASINUNGALINGAN ANG BINABALITA NILA SA MGA ARTISTA,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, ““#tv5 pwede bang pagpahingahin nyu na si cristy fermin.. she should not be given the [platform] na manira ng [kapwa] nya.”

“cristy fermin, girl matanda kana konti nalang ilalagi mo sa mundo, konting hinga ka nalang oh? bat di ka nalang magpakabait o kay mag dilig ng halaman ganon?” sey naman ng isa.

Maging ang mga fans nina Kathryn at Daniel ay nanawagan na rin na itogil na ang pagbibigay platform sa kolumnista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Itong si cristy fermin dati yung fans nila nadine lustre at kathryn ang pinagsasabong ngayon si kathryn at andrea naman pinagkukumpara. Sa huli yung dalawa ang nababash. Dapat hindi pinagpapansin yan e,” sabi pa ng isa.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag ang TV 5 hinggil sa panawagan ng mga fans ng tatlong Kapamilya artists.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending