Vice Ganda tinawag na 'hindi tunay na babae' ni Cristy Fermin

Vice Ganda tinawag na ‘hindi tunay na babae’ ni Cristy Fermin

Therese Arceo |November 25,2023
facebook
share this

Vice Ganda tinawag na ‘hindi tunay na babae’ ni Cristy Fermin

Therese Arceo - November 25, 2023 - 11:45 PM

Vice Ganda tinawag na 'hindi tunay na babae' ni Cristy Fermin

Cristy Fermin at Vice Ganda

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang mga naging tirada ng kolumnistang si Cristy Fermin kay Unkabogable Star Vice Ganda.

Matatandaang nitong Biyernes nang sagutin ni Cristy ang diumano’y pagpapasarin sa kanya ng komedyante sa noontime show nitong “It’s Showtime”.

Nagsimula kasi ito nang chikahin ni Vice ang isang contestant ng kanilang bagong segment na “Me Choose Me Choose” na nagngangalang “Cristy”.

Aniya, “Kumusta ka na, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo, Cristy, bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan?”

Bagamat walang eksaktong pangalang binanggit si Vice ay alam ng kolumnistang siya raw ang pinatatamaan nito.

Kaya naman sa Friday episode ng “Cristy Ferminute” ay agad siyang sumagot sa mga bira ng “It’s Showtime” host.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin kay Vice Ganda: ‘Bakit hindi niya ako diretsuhin?’

Bandera IG

Pinuna nito ang pagiging “bading” kahit na una na niyan sinabi na nirerespeto niya ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

“Vice Ganda hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Nagpapanggap ka lang na babae. Kapag ikaw ay bumibiyahe sa isang mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno, at doon ka dyi-jingle. May mga dadaan na mga tao, at ano ang colloquial na biro ng mga tao na nakakakita ng mga umiihi? ‘Hoy, humarap ka! ‘Wag ang tumalikod, traydor ka! ‘Yun ang isisigaw sa iyo!” saad ni Cristy.

Kaya naman to the rescue ang isa sa mga anak-anakan at malapit sa komedyanteng si Ate Dick upang depensahan ang kanyang Meme.

Ibinahagi niya sa kanyang X (dating Twitter) account ang naturang video ni Cristy habang pinagsasalitaan si Vice.

“Tumanda kang ganiyan ka-tanga. Tara po Manang Cristy, ie-explain ko sa inyo ang SOGIE. Pipilitin ko pong maipaliwanag sa colloquial na paraan para po ‘di kayo matawag at mautusan na, ‘Tanda, mag-aral ka!’

“Ang panghi na ng utak niyo, eh. Sarap niyong ihian ng wisdom!” pagtatanggol ni Ate Dick kay Vice laban sa kolumnista.

May ilan rin na sumang-ayon kay Ate Dick at pinalagan rin ang mga pahayag ng kolumnista.

“Galet na galet ang lola! Susme! Out of topic na, sino kaya ang super content palagi kay Vice? Ang laki kasi ng inggit ng mga yan kay Vice eh. Natandang paurong,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Dapat ni rereport ang show ng matandang to.”

“Hindi kasalanan ni Meme Vice kung MABILIS at taba ng utak nya na ora mismo makapagbigay xa ng jokes sa lahat ng bagay or tao. FYI: Cristy Hindi lng ikaw Ang may name na ganyan. TRUTH HURTS d ba Cristy fermin!?” sey naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, makikita namang nag-share ng isang GIF ng nakatatakot na itsura ang Unkabogable Star sa kalagitnaan ng isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending