Pangako ni Vice Ganda kay Ion Perez: Kakampihan kita araw-araw

Pangako ni Vice Ganda kay Ion Perez: Kakampihan kita araw-araw

Therese Arceo |November 11,2023
facebook
share this

Pangako ni Vice Ganda kay Ion Perez: Kakampihan kita araw-araw

Therese Arceo - November 11, 2023 - 11:49 PM

Pangako ni Vice Ganda kay Ion Perez: Kakampihan kita araw-araw

Vice Ganda at Ion Perez

IBINANDERA ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kung gaano siya ka-proud at kung gaano niya kamahal ang partner niyang si Ion Perez.

Matapos ang naging Magpasikat performance ng Team Jhong, Kim, at Ion para sa selebrasyon ng ika-14th anniversary ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” ay kapansin-pansin ang paghanga ng Unkabogable Star para sa kanyang asawa.

Maging si Vhong ay napansin na pnay ang tingin ni Vice kay Ion.

“Siyempre nagdadasal ako, ‘no,” saad ng komedyante.

Sey naman ni Vhong, “Siyempre lahat naman tayo nagdadasal. Pero kanina parang inlove na inlove ka [Vice] pa lalo.”

“Talaga,” nang-iinggit na sabi niya. “Everyday!”

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Billy Crawford nagkaayos na matapos ang ilang taong samaan ng loob: Regalo natin ito sa madlang pipol

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tanong pa ni Vhong kay Vice, “Ano bang gusto mong sabihin? Proud na proud ka?”

“Oo, siyempre. Proud na proud ako sa kaniya. Sobra akong proud diyan,” may kumpyansang sabi nito.

Pagpapatuloy ni Vice, “Kasi syempre, araw-araw kasama ko ‘yan ‘di ba. Alam ko kung ga’no siya sinasaktan ng social media.

“Everyday he’s being judged kung ano siya, sa’n siya galing, pa’no siya magsalita. Ano lang nakikita sa kanya, ‘yung klase ng relasyon meron siya. Everyday, he’s being judged.”

Pero sa kabila ng mga natatanggap na batikos ni Ion ay na nakikita ni Vice na ptuloy na itong lumalaban.

“Araw-araw lumalaban ‘yan. Araw-araw nasasaktan. Kaya… Basta hindi n’yo alam kung anong epekto nito kay Ion at sa ’kin, hindi n’yo alam.

“Ang alam n’yo lang, ‘yung alam n’yo, ang nakita n’yo lang. ‘Yung nakita n’yo pero hindi n’yo talaga alam [ang totoo]” umiiyak na sabi ni Vice.

Inihayag rin ng “It’s Showtime” host na kahit na anong mangyari ay pipiliin niyang samahan at mahalin si Ion.

“‘Di ba sabi ko sa ’yo, araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw, ipagdadasal kita araw-araw, yayakapin kita araw-araw, dadamayan kita araw-araw.

“Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko ‘yan. Proud na proud ako sa ’yo,” saad pa ni Vice.

Sa mga nakalipas na buwan ay maraming mga hindi magagandang komento at karanasan sina Ion at Vice mula sa madlang pipol ngunit pinili nila ang maging malakas kahit maraming tao ang pilit na nagbababa sa kanila.

Kamakailan lang nang patawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng 12-day suspension ang “It’s Showtime” dahil sa naging pagkain nila ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata”.

Bukod pa rito ay sinampahan rin sina Ion at Vice ng kasong kriminal ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI)

Inamin rin ng “It’s Showtime” host na kamakailan lang nang pumanaw ang kanyang pinakamamahal na ate.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy Crawford inaming request ng kanyang ama ang magkabati sila ni Vice Ganda

Hugot ni Vice Ganda: Sana dumami pa ang komedyante kahit ang hirap-hirap nang magpatawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending