Kyline Alcantara may cryptic post, hiwalay na kay Mavy Legaspi?

Kyline Alcantara may bagong cryptic post, hiwalay na nga ba kay Mavy Legaspi?

Therese Arceo |November 29,2023
facebook
share this

Kyline Alcantara may bagong cryptic post, hiwalay na nga ba kay Mavy Legaspi?

Therese Arceo - November 29, 2023 - 08:17 PM

Kyline Alcantara may bagong cryptic post, hiwalay na nga ba kay Mavy Legaspi?

Kyline Alcantara at Mavy Legaspi

USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens kung sino nga ba ang pinapasaringan ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa kanyang mga recent social media posts.

Nitong Martes ng gabi, November 28, isang makahulugang post ang ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram story.

Saad ni Kyline, “I was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realized, [whose] peace is it keeping.”

Ilang araw na ring curious ang mga netizens dahil bago pa ang Instagram story ng dalaga ay may nauna na tong post sa X (dating Twitter) at TikTok.

Ani Kyline, “I knew it.”

Bagamat wala pang kumpirmasyon ang kanilang relasyon ay maraming nagsasabing hiwalay na ito sa kanyang rumored boyfriend na si Mavy Legaspi.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi sa relasyon nila ni Kyline Alcantara matapos mag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram: ‘I think, civil po’

Bandera IG

Samantala, marami sa netizens ang nagsasabi na tila may kinalaman ang “Eat Bulaga” co-host ni Mavy na si Dasuri Choi sa nangyayari ngayon sa kanila ni Kyline.

Pero base naman sa post ni Zoren ay magkaibigan lang ang dalawa at noon pa man ay close na si Dasuri kay Cassy.

May mga chika ring kumakalat sa Twitter na may “attitude” raw si Kyline na maaaring naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa.

Wala pa naman kumpirmasyon o pahayag na inilalabas ng mga kampong involved sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nananatiling bukas ang Bandera para sa reaksyon o pahayag nina Kyline at Mavy hinggil sa isyung namamagitan sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending