Cassy Legaspi sa relasyon nila ni Kyline Alcantara matapos mag-unfollow sa isa't isa sa Instagram: 'I think, civil po' | Bandera

Cassy Legaspi sa relasyon nila ni Kyline Alcantara matapos mag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram: ‘I think, civil po’

Ervin Santiago |November 02,2023
facebook
share this

Cassy Legaspi sa relasyon nila ni Kyline Alcantara matapos mag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram: ‘I think, civil po’

Ervin Santiago - November 02, 2023 - 08:03 AM

Cassy Legaspi sa relasyon nila ni Kyline Alcantara matapos mag-unfollow sa isa't isa sa Instagram: 'I think, civil po'

Mavy Legaspi, Kyline Alcantara, Darren Espanto at Cassy Legaspi

MUKHANG malalim nga ang dahilan ng napabalitang tampuhan at hindi pagkakaunawaan umano ng mga Kapuso stars na sina Kyline Alcantara at Cassy Legaspi.

Nagsimula ang chika na may gap sina Kyline at Cassy nang mapansin ng mga netizens noong August 14, 2023, na nag-un-follow umano sila sa isa’t isa sa  Instagram.

Maraming haka-haka ang lumabas tungkol sa tunay na dahilan ng isyu sa pagitan ng dalawang Kapuso actress kabilang na ang umano’y pagkakaugnay ng twin brother ni Cassy na si Mavy Legaspi kay Kyline. Bukod dito, nadamay din si Darren Espanto sa isyu.

Hindi naman makapaniwala ang ilang netizens sa pag-unfollow nina Kyline at Cassy sa IG dahil ang alam nga ng lahat ay close sila dahil nga dyowa ni Mavy ang aktres.

Kaya naman sa presscon kamakailan ng unang movie together nina Cassy at Darren na “When I Met You In Tokyo” starring Vilma Santos and Christopher de Leon, natanong ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel tungkol sa isyu.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi, Kyline Alcantara in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram, anyare?

Diretsahang tanong sa Kapuso actress at TV host, “Once and for all lang, para lang ma-clarify, kasi Cassy may lumabas noong mayroon kayong misunderstanding ni Kyline, yung pag-unfollow niyo sa Instagram, si Darren ba yung reason?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Bigla namang natahimik si Cassy sabay iling at tingin sa katabi niyang si Darren na parang ayaw nang magsalita about Kyline. Kasunod nito, si Darren na ang sumagot sa tanong.

Baka Bet Mo: Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

“Alam niyo po, may mga bagay na hindi na kailangan pang pag-usapan. I mean, whatever happened in the past…” sabi ni Darren na dinugtungan naman agad ni Cassy ng, “Is in the past.”

Dugtong pa ni Darren, “Yeah, and if you like everyone to move forward from, you know, from what happened in the past.” Dito, muling sumingit si Cassy at nag-dialogue ng, “Lahat naman tayo, chill.”

At sa tanong na, “So far, paano mo idi-describe yung relationship n’yo ni Kyline?” Maikling tugon ng dalaga, “I think, civil po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May sumingit namang reporter na nagtanong kung boto ba si Cassy kay Kyline bilang girlfriend ng kanyang kakambal na si Mavy pero hindi na ito nasagot ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending