Carmina sa espesyal na 'relasyon' nina Darren at Cassy: 'Happy ako for them, may blessing yun!' | Bandera

Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

Ervin Santiago |March 21,2023
facebook
share this

Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

Ervin Santiago - March 21, 2023 - 06:49 AM

Carmina sa espesyal na 'relasyon' nina Darren at Cassy: 'Happy ako for them, may blessing yun!'

Carmina Villarroel, Darren Espanto at Cassy Legaspi

MUKHANG nakaipon na ng pogi points ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto dahil sa pakikitungo niya sa mga magulang ni Cassy Legaspi.

Matagal nang nababalita na magdyowa na raw sina Cassy at Darren pero wala pa rin silang inaamin sa publiko kahit pa kitang-kita na kung gaano sila ka-close at ka-sweet sa isa’t isa.

Pero para sa nanay ni Cassy na Carmina Villarroel, naniniwala siya na “close friendship” pa lamang ang namamagitan sa anak niyang dalaga at kay Darren.

“Very happy” naman daw si Carmina sa kung anuman ang namamagitan kina Darren at Cassy dahil alam niyang matatalino at responsable ang mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


“I’m just so happy that they’re really good friends, I’m super happy. Ako, I’m very comfortable na they’re together. Hindi naman madalas na magkasama,” ani Carmina sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Natanong naman ng Kapamilya entertainment news reporter na si MJ Felipe ang aktres kung ano ang ibig meaning ng sinabi niyang “Darren and Cassy being together”.

“Together, physically. Physically together. Parang nakakampante ako na kapag magkasama sila sa event, parang hindi ako nate-tense kasi basta kapag sinabi niya (Cassy), ‘I’ll be with Darren’, Okay!” natatawang tugon ni Carmina

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Ayon pa sa wifey ni Zoren Legaspi, hangga’t maaari ay ayaw na sana niyang mag-talk tungkol sa friendship ng kanyang anak at ni Darren dahil baka akalain ng iba ay  pakialamera siyang ina.

“Basta sa ngayon, they’re very good friends. Happy ako for them. May blessing yun, yung pagiging good friends nila sobrang may blessing sa akin. What you see is what you get,” paglilinaw pa niya.

Nagpasalamat naman si Darren sa mga magulang ni Cassy dahil sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga ito. Sa katunayan, pinapayagan din siya nina Carmina at Zoren na  mabisita at maka-bonding si Cassy sa bahay nila.

“I’m always very grateful whenever they let me in to their home, it something that means a lot for me and masaya lang ako kasi ako ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ng mga parents ng Legaspi twins,” sey ni Darren.

Matatandaang tinuksu-tukso pa ni Vice Ganda si Darren nang makita niyang ka-video call ng binata si Cassy.

Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending