Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain... Bandera

Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain…

Ervin Santiago |September 05,2022
share this

Tunay na relasyon nina Darren at Cassy ibinandera ni Carmina: I really trust them kaya huwag lang sana nilang sirain…

Ervin Santiago - September 05, 2022 - 06:38 AM
Carmina Villarroel sinabing hindi pa magdyowa sina Darren at Cassy

Carmina Villarroeel, Darren Espanto at Cassy Legaspi

MISMONG si Carmina Villarroel na ang nagsabi na hindi pa magdyowa at wala pang relasyon ang anak na si Cassy Legaspi at si Darren Espanto.

Ipinagdiinan ng Kapuso TV host-actress na super friends lang daw talaga sina Cassy at Darren matapos ngang maglabasan ang mga sweet photos together na kuha sa pagbabakasyon nila sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay Carmina hindi lang naman sina Darren at Cassy ang nagpunta at nag-swimming sa Nasugbu, “May kasama naman sila. Kasi si Darren kaibigan nu’ng kambal, e, hindi lang si Cassy.

“They’re very close to each other. Pati kay Mavy, parang isang grupo lang sila. Ang maganda kasi kay Darren, pumupunta sa bahay, kaya kilala namin ni Zoren (Legaspi). Mabait na bata si Darren.

View this post on Instagram

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Very respectful,” sey pa ni Mina sa online mediacon ng bago niyang afternoon serye sa GMA na “Abot Kamay Na Pangarap”.

Nabanggit din ni Mina na wala pa raw nangyayaring ligawan sa pagitan ng dalawa, “Wala talaga! Marami ang hindi naniniwala, pero yun talaga yung totoo. Ayokong magsinungaling, di ba?

“Basta yung alam ko lang, they’re very, very close. They’re like best of friends.

“May mga events, they always go out together, they hang out together, and doon masaya na ako. Kasi alam mong safe sila sa isa’t isa. Kasi magkabarkada sila, e.

“So, kung hihigit pa du’n, ayoko muna, huwag nating pangunahan. Basta ang sa ngayon, maligaya sila sa ganung set-up,” paliwanag pa ng Kapuso actress.

Dagdag pa niya, “At saka si Cassy kasi, palaging sinasabi sa akin na wala sa isip niya yung love life-love life. Kasi talagang gusto niya mag-concentrate sa pag-aaral niya at saka dito sa kanyang career.”

Aniya pa, napakalaki ng tiwala nila ni Zoren sa kanilang kambal, “Kasi pinagdaanan ko ‘yan, e. So, gusto kong ma-enjoy nila yung kanilang kabataan kumbaga. Pero it’s all clean fun.

“I always tell my kids that I trust them. I really trust them. And yun lang na huwag lang sana nilang sirain. Kasi pinagkakatiwalaan ko sila, at yun ang importante, e. Gusto ko maging masaya lang ang mga bata,” chika pa ni Carmina.

Samantala, sa isang bahagi ng presscon ng bagong serye ni Carmina, natanong siya kung ano pa ang nasa bucket list niya na gusto niyang matupad na sana, “Siguro to travel again, more travel siguro with my family. I want to create more memories with my kids and husband.

“Siguro ‘yun lang kasi ‘yung mapapabaon sa kanila kasi iba eh, dala-dala mo na ‘yun hanggang sa pagtanda mo To keep doing more shows and more movies na very inspiring, saka ‘yung macha-challenge pa ako. Basta, I want to do more challenging roles, ‘yung mga hindi ko pa nagagawa in the past,” sabi ni Mina.

Bukas na, September 5, magsisimula ang “Abot Kamay Na Pangarap” pagkatapos ng “Eat Bulaga.” Ka-join din dito sina Jillian Ward, Richard Yap, Andre Paras, Dominic Ochoa at marami pang iba.

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Zoren Legaspi binuking ang bisita ni Cassy: Sino itong D who?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending