Cassy, Darren may update sa kanilang relationship status

Cassy Legaspi, Darren Espanto may update sa kanilang relationship status: ‘We’re special friends!’

Pauline del Rosario |October 01,2023
facebook
share this

Cassy Legaspi, Darren Espanto may update sa kanilang relationship status: ‘We’re special friends!’

Pauline del Rosario - October 01, 2023 - 06:08 PM

Cassy Legaspi, Darren Espanto may update sa kanilang relationship status: ‘We’re special friends!’

PHOTO: Instagram/@cassy

“WE’RE special friends!”

‘Yan ang naging update ng Kapuso actress na si Cassy Legaspi at Kapamilya singer na si Darren Espanto matapos silang ma-ambush interview sa naganap na red carpet ng ABS-CBN Ball 2023 noong September 30.

Una munang naitanong ng ilang miyembro ng entertainment press kay Darren, “Pinagpaalam mo ba si Cassy sa parents niya?”

Nag-oo naman agad ang singer at sinabi pa na, “Ka-text ko po sila.”

Kwento pa niya,” Lalo na sa preparations…kunwari sa pagpili ko ng bouquet. Sabi ni Tita Mina, ‘huwag masyadong malaki ‘yung bitbitbitin ni Cassy.’ Pero sabi ko, ‘minsan lang po mag-ABS-CBN Ball’, that’s why I bought the big bouquet na.”

Baka Bet Mo: Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Follow-up na tanong sa kanya, “May curfew ba na sinabi sayo?”

“Wala naman po,” sey ni Darren.

Biglang singit naman ni Cassy, “Because my parents knows Darren so [pinagkakatiwalaan siya].”

Kasunod niyan ay tinanong na nga sila ng press kung ano na ang real score ng dalawa.

Biglang humalakhak ang dalawa at biro pa ni Darren, “Wala naman po. We’re just….close friends, we’re colleagues.”

Pag-iintriga pa ng mga nag-ambush interview, “Pero nakita namin kayong magka-holding hands.”

Tugon naman ni Cassy habang tumatawa, “We’re special friends na.”

“How special?” follow-up ng entertainment reporters.

Proud na sambit ng singer, “Very special. Parang irreplaceable na [siya] sa buhay ko actually.”

“Parang ano na siya, pag kinaibigan niya po ako, kasama na siya sa package,” aniya pa.

Kung maaalala, nauna nang sinabi ni Darren sa isang interview na ine-enjoy pa nilang dalawa ang isa’t-isa at hindi sila nagmamadali pagdating sa pag-ibig.

“Cassy and I are always very honest when people ask this, there’s nothing happening official or anything,” sey ni Darren.

Dagadag pa niya, “We are just enjoying each other’s time. We’re not rushing into anything po talaga.”

Nabanggit din ni Darren na laging nandyan para sa kanya si Cassy at ito raw ang nagsisilbi niyang sandalan sa tuwing siya’y nalulungkot.

“Siyempre si Cassy ang isa sa mga taong parang tinatakbuhan ko kapag medyo down po ako,” ani ng singer.

Related Chika:

Regine naloka, inireklamo ang score sa videoke: Kinanta ko yung song ko tapos ito lang, eh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carmina sa espesyal na ‘relasyon’ nina Darren at Cassy: ‘Happy ako for them, may blessing yun!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending