Direk Roman Perez dinenay na favorite siya ng mga bossing ng Vivamax; Tiffany Grey palabang sales lady sa 'Kamadora' | Bandera

Direk Roman Perez dinenay na favorite siya ng mga bossing ng Vivamax; Tiffany Grey palabang sales lady sa ‘Kamadora’

Ervin Santiago |August 13,2023
facebook
share this

Direk Roman Perez dinenay na favorite siya ng mga bossing ng Vivamax; Tiffany Grey palabang sales lady sa ‘Kamadora’

Ervin Santiago - August 13, 2023 - 06:48 AM

Direk Roman Perez dinenay na favorite siya ng mga bossing ng Vivamax; Tiffany Gray palabang sales lady sa 'Kamadora'

Roman Perez at Tiffany Grey

NILINAW ng tinaguriang cult director na si Roman Perez, Jr., ang chikang mas pinapaboran daw siya ng Viva Entertainment kumoara sa iba pang direktor na kinukuha ng movie company.

Sa naganap na private screening at mediacon ng latest movie niyang “Kamadora” ay natanong si Direk Roman tungkol sa isyu ng “favoritism.”

Marami kasing nakapansin na halos lahat ng ginawang pelikula ng direktor sa Vivamax ay nagkakaroon ng face-to-face presscon at special screening habang ang iba ay puro zoomcon lamang.

Bukod dito, di hamak din daw na mas malaki ang ibinibigay na budget ng Viva sa lahat ng kanyang projects. Kaya naman may lumabas na chika na “very malakas” daw siya sa mga bossing ng Viva.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stiffany Banzon (@tiffanygreeey)


Ngunit mariin itong pinabulaanan ng direktor, “Hindi po totoo yan. Pareho lang po ako ng ibang mga nagdidirek sa Viva. Hindi po nila ako basta pinapaboran.”

Sa nasabi ring “Kamadora” mediacon at private screening ay natanong si Direk Roman kung ano’ng feeling na ang idinidirek niya noon ay mga children’s show at ngayon naman ay puro sexy at action movies.

Si Direk Roman ang direktor noon ng pambatang programang “Team Yey”, “Mas enjoy po talaga ako gumawa ng full length films. Sa TV, may showrunners at sila ang nasusunod. As a film director, I call the shots and I get to do the materials that I want to do.”

Baka Bet Mo: Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…

Samantala, abangan ang kwento ng isang dalagang matututunang maging makasarili dahil sa kalupitan ng mundo. Panoorin si Tiffany Grey sa sexy-thirller na “Kamadora” na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Bata pa lang ay marami nang pinagdaanang hirap sa buhay si Ica (Tiffany Grey). Sapilitang pinagagawa ng mga ilegal na bagay, nagliligpit ng kalat ng iba, inaabuso ng mga lalaki, lahat ng yan ay napagdaanan na niya.

Naging palipat-lipat na rin ang tirahan ni Ica at ang pulis niyang boyfriend na si Roger (Junjun Quintana) ay nandyan para alalayan at bantayan siya. Kahit na mukhang maayos ang relasyon nila, may sikreto silang tinatago at gusto nang makawala ni Ica mula rito pero hindi pa niya magawa.

May mga makikilala rin si Ica na magbibigay ng tulong at malasakit sa kanya, si Tatay Narcing, ang magtuturo sa kanya kung paano gumamit ng baril, kutsilyo at martial arts para maprotektahan ang kanyang sarili, at si Nanay Adeng (Angie Castrence), ang caretaker sa tinutuluyan niyang boarding house.

Magkakaroon na ring ng lakas ng loob si Ica na ‘wag dumepende kay Roger, makakahanap siya ng trabaho at magiging sales lady sa isang department store.

At ang isa sa miyembro ng pamilya na may-ari ng department store ay magkakainteres kay Ica, si Dave (Victor Relosa). Mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa, at may iaalok ding misyon si Dave kay Ica at magiging mag-partners in crime ang dalawa. At sa misyon na ‘to, kailangan gamitin ni Ica ang mga natutunan niya mula kay Tatay Narcing.

Ano ang misyon na inalok ni Dave? Magiging tagapagligtas ba ni Dave si Ica? O magiging personal assassin niya ito? Anong gagawin ni Roger kapag nalaman niya ang tungkol kay Ica at Dave? At bakit hindi makawala si Ica kay Roger?

Sa madilim na nakaraan at pati na kasalukuyan ni Ica, may pag-asa pa ba para mapunta siya sa tamang daan? O patuloy siyang mapariwa at mapunta maling landas? Watch na ng “Kamadora,” streaming exclusively sa Vivamax.

Tiffany Grey hinangaan ang pag-arte, nakipagsabayan kina Sean, Dimples at Jake

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bwelta ni Roman Perez sa nanlalait sa kanyang pelikula: Panoorin muna at kapag basura doon n’yo kami awayin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending