Tiffany Grey hinangaan ang pag-arte, nakipagsabayan kina Sean, Dimples at Jake | Bandera

Tiffany Grey hinangaan ang pag-arte, nakipagsabayan kina Sean, Dimples at Jake

Reggee Bonoan |December 21,2022
facebook
share this

Tiffany Grey hinangaan ang pag-arte, nakipagsabayan kina Sean, Dimples at Jake

Reggee Bonoan - December 21, 2022 - 10:47 AM

Tiffany Grey hinangaan ang pag-arte, nakipagsabayan kina Sean, Dimples at Jake
“SINO ang mas magaling sa amin ni Papa? Si papa o ako?” ito ang isa sa linyang hindi malilimutan sa pelikulang “My Father, Myself” na tinanong ng baguhang si Tiffany Grey kay Sean de Guzman.

Si Tiffany ay anak nina Jake Cuenca at Dimples Romana matindi ang pagkagusto kay Sean na ang gusto naman ay ang ama-amahan na nagpalaki at nagpa-aral sa kanya

na turing sa kanya ay anak dahil ang tatay nito ay ang kanyang client/boyfriend na si Allan Paule na sa simula palang ng pelikula ay tsinugi na ang karakter pero marami namang flashback kung bakit siya nasawi agad.

For a first timer ay puwede na si Tiffany dahil nakipagsabayan naman siya sa pag-arte kay Sean at sa dalawang mahusay na aktor at aktres na sina Jake at Dimples.

Bumilib din kami sa tapang ng dalaga dahil unang beses niyang humarap sa kamera ay nagawa niyang magpakita ng boobs at behind habang nakasakay siya kay Sean na ang iniisip naman ng mga sandaling iyon ay si Jake.

Dahil napapansin ni Sean si Jake na napapatitig sa kanya dahil kamukha nga niya ang amang si Allan ay tinukso niya ito na puwede namang maging sila at kahit anong iwas ay natuloy din ang inaasam nilang dalawa.

Palakpakan at hiwayan to the max ang lahat ng taong nanood sa Trinoma Cinema 6 kung saan ginanap ang premiere night ng “My Father, Myself” dahil sa makapigil hiningang love scene nina Jake at Sean na parehong gigil sa kissing scene at at mas lalo pang umingay ang lahat sa eksenang nakaluhod ang una sa huli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tiffany Grey (@tiffanygreeey)

Ito ang pinaka-highlight ng “My Father, Myself” dahilan kaya R-18 ang ibinigay na rating ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Sayang at hindi narinig ni Direk Joel Lamangan ang magagandang feedback ng mga nakapanood sa pelikulang idinirek niya na sinulat ni Quinn Carillo at produced ng 3:16 Media Network ni Ms Len Carillo at ang Mentorque Productions ni John Bryan Diamante na mapapanood na sa Disyembre 25 ang “My Father, Myself” na entry ngayong Metro Manila Film Festival 2022.

Nakakabilib si Jake dahil tinanggap niya ang karakter na human rights lawyer pero kloseta at ayon sa kanya ay artista siya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba tungkol sa kanyang kasarian dahil confident siya sa sarili niya.

Ang husay ng aktor sa pelikula at ang bango-bango niya kaya siguro nahumaling sa kanya ang anak-anakang si Sean.

Hindi nagpakabog si Dimples sa acting niyang kunwari dedma pero ramdam niyang may nangyayari na sa asawang si Jake at sa itinuring na anak na si Sean.

At dito na pumalag ang aktres dahil nabuntis ni Sean ang anak nila ni Jake na si Tiffany kaya kailangan itong panindigan ng una at para maputol ang bawal na pag-ibig ng dalawang aktor ay pinapupunta niya ng ibang bansa para doon manganak at magsimula ng buhay.

Bagay na hindi matanggap ni Jake at dito na sila nagkasagutan ni Dimples na palakpakan ulit ang tao dahil ang galing nang dalawa sa linyahan.

Ang ganda ni Dimples throughout the movie na sakto dahil mayaman ang karakter niya at powerful pala siya kaysa kay Jake lalo na nu’ng sinampal niya ang aktor na natigalgal. Mahal ng kamera ang aktres at ng mga ilaw ng DOP na si T.M. Malones.

Anyway, mapapanood ang “My Father, Myself” sa mga sinehang tulad ng Ayala Circuit, Ayala Manila Bay, Eastwood City, Fairview Terraces, Fishermal, QC, Gaisano Davao, Gateway, Glorietta, Greenhills, Powerplant Makati, Market Market, Powerplant Makati, Robinsons Cebu, Robinsons Magnolia, Trinoma, Venice Cineplex at Vista Mall Taguig.

Kaya namin ito binanggit ay para sa kaalaman ng lahat na hindi maipapalabas sa SM cinemas ang “My Father, Myself” dahil sa rating nitong R-18.

Related Chika:
Dimples Romana tumangging gawin ang lesbian movie, sagot sa direktor: ‘Hindi pa po yata ako handa’

Jake Cuenca nasarapan nga ba sa halikan nila ni Sean de Guzman sa MMFF 2022 entry na ‘My Father, Myself’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joel Lamangan hindi nagwagi na maging R-16 ang rating mg ‘My Father, Myself’: Umuwi akong talo!

Jake Cuenca handang mag-frontal nudity sa 1 kundisyon: If it’s a Hollywood film, let’s do it!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending