Magaling na aktor na napiling bida sa bagong pelikula biglang pinatanggal ng TV executive, may favoritism yarn!? | Bandera

Magaling na aktor na napiling bida sa bagong pelikula biglang pinatanggal ng TV executive, may favoritism yarn!?

Reggee Bonoan |May 31,2023
facebook
share this

Magaling na aktor na napiling bida sa bagong pelikula biglang pinatanggal ng TV executive, may favoritism yarn!?

Reggee Bonoan - May 31, 2023 - 07:13 AM

Magaling na aktor na napiling bida sa bagong pelikula biglang pinatanggal ng TV executive, may favoritism yarn!?

Guess, guess who!? Sinetch itetch?

CONTRACT artist ng major network ang kilalang aktor na marunong umarte pero tila hindi siya “favorite” ng management.

May movie project kasi na ilalaban sa isang film festival sa ibang bansa at lahat ng artista ay dumaan sa audition at napili nga ang contract artist ng major network bilang bida.

Plantsado na ang lahat, nasa pre-prod na ang film company para sa shooting ng pelikula nang bigla silang nakatanggap ng tawag mula sa executive ng major network at pinapapalitan ang kilalang aktor ng iba bagay na ikinagulat ng direktor.

Wala namang ibinigay na dahilan ang executive ng major network kung bakit pinapapalitan nila ang kilalang aktor, basta angvsabi lang, “Baka mas maganda kung hindi siya.”

Ito pala ang dahilan ng executive, e, bakit pinayagan nilang mag-audition ang kilalang aktor para sa movie project na isasali sa film festival sa ibang bansa?  Dumaan naman sa kanya ang pangalan ng artist nila, tapos ngayon babawiin?

Baka Bet Mo: TV executive hinding-hindi na kukuha ng mga artistang alaga ng kilalang talent manager

May ibang artist pang kasama sa movie project at mega-push daw ang executive rito maliban sa kilalang aktor na pilit na pinapapalitan.

As of this writing ay hindi pa kami binabalikan ng direktor kung ano ang desisyon nila at kung pakikinggan nila ang request ng executive na ibang aktor na lang ang isama.

Napapaisip kami kung bakit, gayung guwapo at marunong umarte ang kilalang aktor bukod pa sa mabait daw ito at marunong makisama sa lahat.

Hmmmm, parang gusto na tuloy naming maniwala sa mga kuwentong naririnig namin na kapag hindi ka favorite ng management ay hindi ka mabibigyan ng project o frozen delight ka kahit pa multi-talented ka.

At isisiksik ang mga artistang kahit hindi kagalingang umarte at may attitude pa ang siyang nabibigyan ng maraming projects.

Higit sa lahat, naniniwala rin kami na may ibang artista na idinadaan sa pagbibigay ng “regalo” sa mga bossing ng networks para lagi sila ang prayoridad sa listahan ng upcoming projects.

Kaya masuwerte ‘yung mga sumikat na artistang hindi dumaan sa pagbibigay ng regalo dahil pinaghirapan nila kung nasaan man sila ngayon.

Kilalang female celeb ang tagal-tagal na sa showbiz pero hindi pa rin marunong umarte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kyline rumesbak sa mga bashers na nagsabing hindi siya marunong umarte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending