Kilalang aktor na may 'kabit' na politician hiniwalayan ng girlfriend: 'Akala namin mauuwi rin sila sa kasalan' Bandera

Kilalang aktor na may ‘kabit’ na politician hiniwalayan ng girlfriend: ‘Akala namin mauuwi rin sila sa kasalan’

Reggee Bonoan |May 22,2023
share this

Kilalang aktor na may ‘kabit’ na politician hiniwalayan ng girlfriend: ‘Akala namin mauuwi rin sila sa kasalan’

Reggee Bonoan - May 22, 2023 - 07:24 AM
Kilalang aktor hiniwalayan ng girlfriend dahil may karelasyong politician: 'Akala namin mauuwi rin sila sa kasalan'

Guess, guess who!? Makilala n’yo kaya kung sino sila?

NAIDALDAL ng ex-girlfriend ng isang kilalang aktor sa kanyang mga kaibigan minsang isang gabing nag-iinuman sila ang tungkol sa tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay.

“Girls night out kasi ‘yun nagkita-kita lang lahat ng friends from the industry at noong modelling days, catching up.  Lahat kasi busy sa work at busy sa family life,” say ng kaibigan ng ex-GF ng aktor.

Sabi pa ng aming source, “Si ____ (aktor) pala may secret relationship kay ____ (pangalan ng politician) at matagal na sila decades ago pa.

“At open sila to have their own girlfriends pero sila pa rin, ako wala naman akong care, pero siyempre itong friend namin, gustong bumuo ng family.

“E, possible bang makabuo ng family kung may ibang karelasyon, di ba?” sabi pa sa amin.

Baka Bet Mo: Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang ‘kumabit’ sa mayamang personalidad

Sabi namin puwede naman dahil ang dami rin naming kilala in and out of showbiz na may secret relationship pero may mga sarili ng mga pamilya.

“Hindi nga puwede kay ____ (ex-girlfriend) kasi paano niya sasabihin sa family niya, alam mo naman sina tito at tita, very conservative saka imposibleng hindi ‘yan malalaman, sa showbiz pa, hello?

“Kaya nakipaghiwalay na si ____ (ex-gf) kay ____ (aktor) kahit masakit dahil ang tagal na nila.

“Akala nga naming lahat sila na talaga, naghahanda na nga kami kung anong toka namin sa kasal, eh. Kanya-kanyang sabi na nga kami before. Ha-hahahaha!  Tapos nawaley,” sabi ulit ng kaibigan ng ex-girlfriend ng aktor.

Tungkol naman kay aktor, hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang single at hindi naman daw siya nagmamadaling magkadyowa pero nabanggit naman din niya sa common friend nila ng ex-girlfriend na mahal pa rin niya ito.

Hmmmm, hanggang kailan kaya magiging single si aktor? Samantalang ang ka-secret relationship niyang politician ay happy pa rin sa buhay niya.

Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya

JK Labajo may patutsada nga ba sa ex-girlfriend na si Maureen Wroblewitz?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending