Celebs na panay hingi ng proyekto, pero laging waley pag magpo-promote na
“KAPAG mga walang trabaho, nangangatok sa mga producers na bigyan sila ng trabaho kasi ganito, ganyan, tapos pag kailangan mo na para mag-promote, hindi pwede kasi conflict, etcetera, etcetera,” ito ang narinig naming kuwentuhan ng mga direktor tungkol sa mga artistang hindi makapag-promote ng pelikula nila.
Matagal na naming naririnig ang mga ganitong tsikahan na iniisip namin kung hindi pwede, e, di ‘wag pilitin kaninong pangalan ba ang magsa-suffer.
Minsan kasi natatapat din na ang bidang artista sa pelikula ay nagkaroon ng emergency at may shooting out of town or out of the country kaya may posibilidad na hindi talaga makakarating sa oras ng promo.
“Paano naman ang mga producers na naglalabas ng pera para makagawa kami ng pelikula? Sa promo kasi ang gusto sa mall shows mga bida ng pelikula, same thing sa mga guestings, dapat paglaanan nila ito ng oras,” katwiran ng aming kausap.
Baka Bet Mo: Bela sa bashers: Kung hindi mo kayang sabihin sa harap ng tao ang isang bagay, huwag mo nang sabihin sa internet
May mga binanggit na malalaking pangalan sa pelikula na talagang willing mag-promote kahit saan pa makarating dahil nga katwiran nila ay pasalamat at tulong nila iyon sa producers at directors na kinuha sila sa pelikula.
In general ang tsikahan ng dalawang directors, producer at scriptwriter dahil ito raw ang napansin sa ibang artista na kapag natapos na ang pelikula ay hindi mo na mahagilap para mag-promote o kung magpo-promote ay isang beses lang.
Lalo na raw ngayong 50th Metro Manila Film Festival na maraming hindi pwedeng mag-promote na may kanya-kanyang dahilan at ang nakakatawa ay sila pa ‘yung in need ng projects dahil hindi regular ang trabaho nila.
Pareho rin sa mga serye na kaya may mga artistang laging laman ng programa dahil nagustuhan sila ng producers na masipag mag-promote kaya nagiging paborito na rin bukod pa sa magaling umarte at nagri-rate ang mga programa.
“May mga magagaling umarte na hindi nagri-rate ang programa, huh? Kaya mapapansin mo hindi rin sila laman lagi ng show,” katwiran ng scriptwriter.
Anyway, may binanggit na pangalan na aktres ang director na naghihinayang siya dahil matunog na ang pangalan nito noon sa mga show na nilabasan niya at papunta na siya sa stardom pero sumablay kaya hindi na ulit nabigyan ng show.
Isa rin kami sa nanghinayang sa aktres na ito, sana pagkatiwalaan ulit siya ng network niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.