Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang 'kumabit' sa mayamang personalidad | Bandera

Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang ‘kumabit’ sa mayamang personalidad

Reggee Bonoan |July 21,2022
facebook
share this

Sikat na male celeb hiniwalayan ang dyowa nang malamang ‘kumabit’ sa mayamang personalidad

Reggee Bonoan - July 21, 2022 - 11:00 AM

Guess, guess who? Magets n’yo kaya kung sino ang magdyowang ito?

“BUTI na lang wala na kami!”

Ito ang sambit ng kilalang aktor sa close friend na aktres dahil ang ex-girlfriend pala niya ay naging karelasyon ng mayamang personalidad.

Isinasama raw ang girl sa mga out of town trips na nagtatagal lang ng dalawang araw.

Matagal na palang may duda ang kilalang aktor na may ginagawang kababalaghan ang ex-girlfriend niya noong magkarelasyon pa sila pero hindi niya ito matukoy dahil nga sa tuwing tatawagan niya ay kasama naman ito ng mga non-showbiz friends sa out of town trips tulad ng Palawan, Bohol, Boracay at iba pang may kinalaman sa dagat.

Sobrang abala kasi noon ang kilalang aktor sa kaliwa’t kanan niyang TV series na talagang pinagsabay niya ang taping ng dalawang programa.

Kaya wala talagang time na makasama ng kilalang aktor ang ex-girlfriend niya noon na hindi masyadong busy sa career nito bilang modelo.

Ang laging paalam ni girl ay may out of town trip siya with her friends for the weekend at maniniwala ka naman talaga kasi nga kapag pini-Face Time ni kilalang aktor ang dyowa niya ay totoong nasa hotel with friends.

Sa hindi malamang dahilan ay isa sa friends ng ex-girlfriend ay nag-ispluk na kay kilalang aktor at nabanggit ngang kasama nila ang mayamang personalidad sa lahat ng trips nila.

Bukod dito ay nakunan ng larawan ang ex-girlfriend ng kilalang aktor kasama ang mayamang personalidad courtesy of hotel staff na kaagad ipinost sa social media account ng resort bilang promo.

At sakto naman na nakita ito ng kilalang aktor at kaagad niyang in-screen grab ang picture ng ex-dyowa at ng mayamang personalidad na sa kalauna’y nawala na rin sa social media post ng resort.

Hindi muna tinanong ng kilalang aktor ang ex-girlfriend kung bakit magkasama sila sa larawan ng mayamang personalidad at bakit hindi kasama ang mga kaibigan.

Hanggang sa nagkaroon na ng hindi pagkakasunduan ang dalawa na nauwi nga sa hiwalayan hanggang sa naalala nga ng una ang tungkol sa larawang kasama ang mayamang personalidad.

At saka nga nasabi ng kilalang aktor sa close friend niyang aktres na, “Buti na lang wala na kami.”

Hindi rin nagtagal ang relasyon ng ex-girlfriend ng kilalang aktor sa mayamang personalidad dahil pamilyadong tao ang guy at walang planong iwan ang asawa’t mga anak bilang kilala siya sa lipunan at malaking kahhiyan ito sa parte niya.

“Actually tumawag pa nga si _____ (ex- girlfriend) kay _____ (kilalang aktor) para mag-catch-up kaso umayaw na ang lolo mo,” sambit ng aming source.

Sa kasalukuyan ay may anak na ang ex-girlfriend ng kilalang aktor at hindi rin sila nagtagal ng tatay ng anak niya.

Anyway, may pagkakahawig ang kilalang aktor sa anak ng ex-girlfriend niya na alam namang hindi siya ang tatay.

Hmmmm, hindi kaya habang naglilihi, e, ang ex-boyfriend na aktor ang nasa isip ng girl?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

Kilalang aktres pinagtitripan lang ng kontrobersyal na personalidad: ‘Gusto lang mag-ingay at magka-issue’

Sharon kay Kiko: Kahit minsan gusto kita sakalin o maging homicidal sa inis…I love you with all my heart!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending