Trulili ba, male celeb tumitira rin ng party drugs kasama ang friends?
NAKAKALOKA ang nasagap naming chika tungkol sa isang male celebrity na tumitira rin umano ng illegal drugs!?
Naikuwento ng isang source na nitong mga nakararaang buwan pala ay bumabanat daw ng party drugs ang male celebrity lalo na kapag uma-attend ng mga private events kasama ang mga malalapit na kaibigan.
Ilang beses daw kasing naispatan ang naturang male celeb sa dinaluhan nitong showbiz gathering kung saan nakitaan ito ng kakaibang behavior na medyo malayo sa kanyang personalidad.
Kaya naman medyo shookt ang mga taong nakakasama niyang pumaparty-party dahil nga sa ipinapakita niyang pagbabago when it comes to his lifestyle.
Baka Bet Mo: Male celeb lumayas na sa Pinas matapos mawalan ng raket sa showbiz
Feeling nila, ngayon lang talaga nae-enjoy ni male star ang kanyang buhay dahil in fairness, sa loob ng mahabang panahon ay puro trabaho ang kanyang inatupag.
Sabi pa ng ating source, posibleng impluwensiya ito ng ilan sa mga bagong kaibigan na napalapit na rin sa kanya at itinuturing na rin niyang mga kapamilya.
“Hindi naman siya adik o lulong, parang occasionally lang ang pag-take niya ng mga party substance. Mukha pa rin naman siyang yummy at fresh kapag napapanood sa TV,” chika ng aming kausap.
Ngunit pahabol na sabi ng ating source, “Sana lang mabantayan niya ang lifestyle niya ngayon kasi baka mapariwara lang siya at dapat pinipili na rin niya ang mga kakaibiganin dahil baka yan pa ang ikapahamak niya sa huli.”
Sabi naman namin, baka naman talagang tumikim lang si male star ng naturang substance para malaman niya ang effect sa kanya at wala namang balak na magpakalulong.
* * *
Napapanood na ang music videos ng Philpop Himig Handog Top 12 finalists sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Available din ang music videos ng “ATM” ni Ice Seguerra, “Buhi” ni Ferdinand Aragon, “Dili Na Lang” ni Jolianne, “Ghostwriter” ni KHIMO, “Kurba” ni Maki, “Langit Lupa” nina Geca Morales, Lyka Estrella, at Annrain, “MHWG” ng VXON, “Papahiram” nina Moira Dela Torre at Johnoy Danao, “Salamat (Nga Wala Na Ta)” ni Kurt Fick, “Taliwala” ni Noah Alejandre, “Tulala” nina Shantel at Extrapolation, at “Wag Paglaruan” nina FANA at Tiara Shaye sa MYX cable channel at The Filipino Channel (TFC).
Samantala, naging mainit ang suporta ng OPM fans sa Philpop HImig Handog entries na umani na ng 3.6 million combined streams habang lahat ng awitin ay nakakuha ng mahigit 10,000 streams bawat isa sa Spotify.
Nakatakda rin makisaya ang interpreters ng PhilPop Himig Handog sa “ASAP” na sinimulan nina Moira, Johnoy, Tiara, FANA, at VXON noong Linggo (November 3).
Nagsimula ang kolaborasyon ng Philpop Music Fest at Himig Handog sa isang mentorship program na naghandog ng workshops at songwriting sessions para sa mga baguhang Filipino composers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Papangalan naman ang magwawagi sa songwriting festival sa susunod na taon. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.