P1.5 M party drugs nakumpiska mula sa 2 college students | Bandera

 P1.5 M party drugs nakumpiska mula sa 2 college students

- March 18, 2019 - 04:44 PM

TINATAYANG aabot sa P1.5 milyon na pinaghihinalaang party drugs at shabu ang nakumpiska mula sa dalawang estudyante ng De La Salle University (DLSU) at De La Salle – College of St. Benilde.

Sinabi ni Makati City Police na pumunta ang isang GrabExpress driver sa Police Community Precinct 3 at ibinigay ang pitong tableta ng pinaghihinalaang ecstasy.

Base sa testimonya ng driver, sinabi ng pulisya na kinuha ang droga mula kay Adriel Ryoichi Temporosa Suzuki, isang 24-anyos na half Japanese-half Filipino na estudyante ng De La Salle – College of St. Benilde, at idedeliber sana sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Naaresto ng pulisya si Suzuki sa kanyang inuupahang condominium sa Makati City, kung saan narekober ang mas maraming party drugs at shabu.

Idinagdagdag ng pulisya na habang nag-iimbentaryo, nagpadala pa ng text ang isa sa umanong supplier ng suspek, kung saan ipinapaalam na may sa isa pang idedeliber na iligal na droga sa loob ng kanyang condominium unit.

Nagsagawa ng entrapment na naging dahilan ng pagkakaaresto ni Ralph Jeffrey Tulio Esteban, isang 23-anyos na estudyante ng DLSU.

Kinasuhan ang mga suspek ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending