Male celeb lumayas na sa Pinas matapos mawalan ng raket sa showbiz | Bandera

Male celeb lumayas na sa Pinas matapos mawalan ng raket sa showbiz

Reggee Bonoan - April 13, 2021 - 02:50 PM

NAGPASYA nang bumalik sa ibang bansa ang isang so-so actor dahil wala namang nangyayari sa showbiz career niya rito sa Pilipinas lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kuwento mismo ng taga-network kung saan kunektado ang aktor kung noong nagsisimula pa lang siya ay sunud-sunod ang project niya ngayon ay wala na talaga siyang karaketan.

“Nu’ng bago palang siya maraming guestings tapos nabigyan naman ng series pero hindi naman siya ang lead star, pang-support lang siya du’n.

“Lahat ng projects niya puro support lang, pati sa mga movies na ginawa niya. Okay naman siyang makisama, pero hindi lang talaga siya pangbida kaya hindi nabibigyan ng solo project,” sabi ng aming source.

Oo nga, napanood namin ang isa sa teleseryeng ginawa niya pati ang kanyang pelikula at parang hindi naman siya nag-e-exist sa kuwento.

Kaya napapakunot ang noo namin lagi, dahil siguro guwapo kaya nabigyan ng change, pero hindi naman outstanding ang performance kaya waley pa rin.

“Oo nga, pandemic pa, so mas lalong nawalan na ng projects, tapos siyempre malungkot pa kasi malayo siya sa mahal niya sa buhay, so isa rin ‘yun sa nakaka-stress sa panahon ngayon,” sabi pa ng kausap naming taga-TV network.

Ang so-so actor ay naging kontrobersyal pa bago ito umalis dahil sa negligence niya tungkol sa pribado niyang buhay.

* * *

Kasabay ng mas tumitinding mga eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” naglabas ang programa ng recompilation soundtrack tampok ang bagong theme song nito mula sa Pinoy Pride na si Arnel Pineda na siguradong mas maglalapit sa mga manonood kay Cardo.

Inawit ni Arnel ang “Cardo Dalisay,” isang rock song na kinompose ng isa sa cast ng serye na si Bassilyo. Swak ang kantang ito para sa karakter ni Coco Martin sa teleserye.

May bagong bersyon naman ng “Ililigtas Ka Niya” ang internationally-acclaimed Pinoy vocal group na Pinopela. Unang single ng grupo ang kanta na pasok sa tema ng serye ang mensahe tungkol sa pagtitiwala sa pagmamahal ng Diyos at orihinal na inawit ni Gary Valenciano.

Kinanta naman ni Coco ang theme song ng Task Force Agila na “Dagit Ng Agila,” na isinulat at ipinrodyus din ni Bassilyo na maririnig din sa kanta kasama ang isa pang rapper at aktor sa serye na si Smugglaz.

Mapapakinggan na rin ang buong bersyon ng opening song ng action-drama series simula 2018 na “Nandyan Na Si Cardo” kung saan ibinibida ang katapangan ng karakter. Isinulat, ipinrodyus, at inawit ito ni Randy Santiago.

Syempre, hindi mawawala ang rap song na “Vendetta” na isa ring komposisyon at produksyon ni Bassilyo na kumuha ng inspirasyon sa pangalan ng vigilante group sa serye kung saan naging bahagi si Cardo.

Ini-release ang mga kantang ito bilang bahagi ng isang recompilation album kasama ang ilan pang tumatak na awitin mula sa 2016 original soundtrack ng serye na “FPJ’s Ang Probinsyano (Music from the Original TV Series).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ilan sa mga kantang napasama sa orihinal na album ang “’Wag Ka Nang Umiyak” ni Gary Valenciano, “Ang Probinsyano” nina Gloc 9 at Ebe Dancel, at “Ako Si Superman” ni Coco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending