Kilalang male celebrity patung-patong ang kaso sa korte, mga taong inagrabyado nagbanta na | Bandera

Kilalang male celebrity patung-patong ang kaso sa korte, mga taong inagrabyado nagbanta na

Reggee Bonoan |March 22,2023
facebook
share this

Kilalang male celebrity patung-patong ang kaso sa korte, mga taong inagrabyado nagbanta na

Reggee Bonoan - March 22, 2023 - 04:07 PM

Kilalang male celebrity patung-patong ang kaso sa korte, mga taong inagrabyado nagbanta na

Guess, guess who! Makilala n’yo kaya kung sinetch itetch?!

KAPAG pala binuksan ang patung-patong na kaso ng kilalang male personality ay tiyak na kalaboso ang bagsak niya dahil nakabinbin lang pala ang lahat ng ito sa korte.

Kuwento ng aming source, dapat nang mag-ingat ang kilalang lalaking personalidad sa mga kilos niya dahil balitang nag-uusap-usap na ngayon ang mga taong inagrabyado niya.

Sabay-sabay daw nilang bubuksan ang  kaso at sasabayan nila ang latest na isasampang demanda sa kanya ng isa ring sikat na female personality na nag-iipon na rin ng mga ebidensiya.

Nakatsikahan namin ang ilang taong kilala si male personality na alam lahat ng kaso nito na natatabunan sa korte at kapag hindi siya nakipag-ayos sa ilang taong malaki ang atraso niya ay baka ito na ang ikabagsak niya.

Nabanggit sa amin ang mga kaso ng kilalang male personality at speechless kami dahil paano pa siya nakakagala sa gitna ng patung-patong nitong demanda?

“E, money talks, di ba? Pero naniniwala naman akong may hangganan naman ‘yan. May kaso rin siya sa ibang bansa kaya hindi siya makapunta sa bansang iyon,” pagtatapat pa sa amin ng source.

At dito lang namin napagtanto na kaya pala hindi siya pumupunta sa nasabing bansa na dati naman ay lagi siyang nandoon ay dahil may nakaalitang kilalang tao na tagaroon.

Abangan ang susunod na mga kabanata tungkol sa kilalang male personality na ito.

Baka Bet Mo: Kilalang male star sugatan na naman ang puso matapos maghiwalay ng ka-live in

* * *

Speaking of kaso ay nakalaya na si Charo Santos-Concio sa karakter na Tindeng sa teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil gumawa ng paraan ang apong si Tanggol played by Coco Martin.

Si Direk Joel Lamangan as Roda ang nagpakulong kay Charo kaya sa kanya rin kinuha ni Coco ang pangpiyansa, ninakawan niya ito ng mga alahas at pera habang natutulog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Ibang tao ang napakiusapan ni Coco na bayaran ang piyansa ng lola niya sa korte kaya palaisipan sa amaing si John Estrada bilang si Rigor kung sino ang nagpiyansa sa biyenan.

Binalaan naman ng hepe ng police station si Charon a kapag may nangyari kay Roda (direk Joel) ay siya ang number one suspect.

At sa episode ngayong gabim Miyerkoles ay alam na ni Roda na ninakawan siya at tiyak na mag-iisip siya na may kagagawan si Charo dahil nga nakalaya na siya.

Samantala, totodohin na ni Ramon (Christopher de Leon), ang totoong ama ni Tanggol, ang paghahanap niya sa nag-iisa niyang anak. Pinapalakas na ni Ramon ang kanyang mga ilegal na negosyo dahil plano niya itong ipamana lahat dito kapag nag-krus na ang kanilang mga landas.

At dahil gabi-gabing tinututukan ang “FPJ’s Batang Quiapo” ay umabot sa 289,337 live concurrent views sa episode nitong Marso 21. Nakapagtala na rin ang serye ng higit 44 milyong total online napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Sikat na male personality noon feeling broke na nga ba matapos umalis sa dating manager?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Direktor awang-awa kay sikat na male celeb dahil binu-bully noon ng insecure na aktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending