Aktor barag sa bashers dahil sa breakup nila ng female celeb

Aktor barag na barag sa bashers dahil sa breakup nila ng female celeb

Reggee Bonoan |February 25,2024
facebook
share this

Aktor barag na barag sa bashers dahil sa breakup nila ng female celeb

Reggee Bonoan - February 25, 2024 - 05:02 PM

Aktor barag na barag sa mga bashers dahil sa breakup nila ng female celeb

Guess, guess who!?

NAAWA kami sa aktor na kaliwa’t kanan ang natatanggap na bashing ngayon dahil siya ang sinisisi sa paghihiwalay nila ng kanyang girlfriend.

Maraming sinasabi ang netizens tungkol sa actor na sana’y personal nilang kilala para valid ang mga pamba-bash nila.

At higit sa lahat tsinek muna sana nila ang record nito from the past kung may ginawa itong hindi maganda in terms of work, personal life at sa pakikisama sa kapwa.

Nababasa ng aktor ang mga hate message laban sa kanya pero kibit balikat lang siya at ni minsan ay wala siyang sinagot sa mga bashers dahil ang katwiran niya, hindi naman siya kilala ng personal ng mga ito kaya hindi ito nagma-matter sa kanya at higit sa lahat wala siyang tinapakan o inagrabyadong tao ni minsan.

Baka Bet Mo: Cristy tinawag na ‘damage control’ ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho

Ayaw naming magbigay ng komento tungkol sa ex-girlfriend ng aktor pero sa mga taong nakakakilala sa kanya at naka-work na niya, for sure alam na alam kung ano ang tunay niyang ugali.

Between the actor at sa girlfriend na nakahiwalayan niya, mas matagal na sa industriya ang una at sa kanyang pagsisikap kaya siya sumikat at nakaipon. Gayun din naman ang girl na nakilala rin nang husto dahil sa kanyang talento.

Sana kung gusto at mahal pa nina actor at ex-girlfriend niya ang isa’t isa ay maayos nila ito soon pero kung hindi na, sana’y mapanatili nilang maayos ang kanilang relasyon dahil sa pagkakaalam naming ay “okay” sila.

Sa kasalukuyan ay mahal ng aktor ang nakahiwalayang girlfriend kaya sobrang lungkot nito at mabuti na lang at karamay niya ang kanyang mga kaibigan at busy siya sa trabaho niya.

Ang ex-girlfriend naman ay parang hindi namin nakitaang apektado o mahusay lang siyang magdala lalo’t kaliwa’t kanan ang engagements niya sa rami ng endorsements.

Baka siguro mas priority muna ni girl ang career niya kaysa sa pagkakaroon ng karelasyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang mga susunod na kabanata.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending