Cristy tinawag na 'damage control' ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho Bandera

Cristy tinawag na ‘damage control’ ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho

Therese Arceo |October 28,2021
share this

Cristy tinawag na ‘damage control’ ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho

Therese Arceo October 28, 2021 - 02:30 PM

Cristy tinawag na 'damage control' ang interview ni Kylie; naawa kay Jessica Soho

BINANATANG muli ng kolumnistang si Cristy Fermin ang aktres na si Kylie Padilla matapos ang exclusive interview nito kay Jessica Soho.

Aniya, ang ginawang interview ni Kylie kay Jessica ay “damage control” dahil nakapailalim ang aktres sa management ng GMA7.

Sa nasabing interview ay inilabas na ni Kylie ang kanyang saloobin tungkol sa mga ibinatong paratang ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica sa nag-viral nitong “breaking silence” post.

“Nagsalita lang siya (Kylie), puro patagilid.‘I want to grow up,’ mga gano’n-gano’n.

“Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho. Sabi nga ni Jessica, ‘Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot,” pagsisimula ni Nay Cristy.

Saad pa ni Nay Cristy, kitang kita sa kanyang mata na nagsisinungaling ang aktres.

“Sabi siya nang sabi na, ‘Yeah, I’m happy, I’m good. Yeah, my kids are happy, they’re okay,’ pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya.

“Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nagsasalita, yon po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin.

“Kitang-kita natin na napakalungkot ng mga mata ni Kylie, di ba? Kitang-kita mo,” pagpapatuloy ni Nay Cristy.

Very catchy rin daw ang teaser na inilabas ng show patungkol sa exclusive interview ni Kylie ngunit nang mapanood ang interview ay tila nasayang lang daw ang pagkakataon ni Kylie na linawin ang mga isyu.

“Yung actual na interview, doon natin nakita na sayang! Dapat nasagot niya nang punto por punto yung mga hamon sa kanya ni Aljur Abrenica. Yung mga inaasahan ng ating mga kababayan, wala,” dagdag pa ni Nay Cristy.

Sinupalpal rin nito ang mga followers ni Kylie na nagsabi na may pasabog raw ang aktres at hintayin daw ang interview nito kay Jessica Soho.

“Sigaw kayo nang sigaw ng resbak. Meron daw sasabog at may sasabog. ‘Yung labentador n’yo, walang pulbura. Supot. Walang laman. ‘Yung mga inaasahan ng ating mga kababayan, waley,” giit pa niya.

Naawa rin daw si Nay Cristy kay Jessica sa nasabing interview.

“Naawa ako kay Jessica Soho… Ang galing-galing niyang host pero hindi niya napasuka si Kylie.”

Pero kasunduan naman daw ito sa kanilang network.

“Damage control is the name of the game,” chika pa ni Cristy.

Related Chika:
Kris Aquino nagpakumbaba kay Cristy Fermin: Napakasarap sa pakiramdam
Jessica Soho todo pag-iingat sa kalusugan matapos makipaglaban sa pneumonia

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending