Kris Aquino nagpakumbaba kay Cristy Fermin: Napakasarap sa pakiramdam Bandera

Kris Aquino nagpakumbaba kay Cristy Fermin: Napakasarap sa pakiramdam

Reggee Bonoan |July 21,2021
share this

Kris Aquino nagpakumbaba kay Cristy Fermin: Napakasarap sa pakiramdam

Reggee Bonoan July 21,2021 - 04:34 PM

SA Biyernes, Hulyo 23 pa ang kaarawan ng radio host at entertainment columnist na si Cristy Fermin pero may pagdiriwang na ito sa kanilang Facebook Live na “Take it Per Minute, Me Ganu’n”.

Dumagsa ang mga nagpadala ng regalo sa kanya na kaagad naman niyang pinasalamatan.

Ang nakaalitan niyang si Kris Aquino ang isa sa mga naunang nagpadala sa kanya tulad ng lechon at gift checks para sa staff.

Matatandaang hindi natuloy ang online talk show nina Kris, Manay Lolit Solis at Nay Cristy na mapapanood sa YouTube dahil may hindi sila pinagkasunduan.

Tanong kay Nay Cristy kung ano ang masasabi niya na nag-reach out na si Kris sa kanya, “Di ba sabi ko naman kapag nagpapakumbaba ang tao, dadapa ulit ako para magpatapak.”

At ang nakasulat sa card ni Kris ay, “Card for you ‘Nay! Advance happy birthday hindi ako nakalimot pinaghandaan ko ha. Hahaha!  From the Aquinos.”

Nagpadala rin kami ng mensahe kay Nanay Cristy kahapon at sinabi naming nakatutuwa dahil okay na sila ni Kris. Kaninang umaga kami sinagot dahil maaga raw siyang nakatulog sa pagod.

“Anak, sa Friday pa ang kaarawan ko, pero totoo nagpadala ng lechon at pagkain sa Take It kahapon, may card din siya sa akin na ang sabi ay hindi siya nakalimot.

“Masarap sa pakiramdam, kilala naman natin si Kris, lukring lang pero marunong magpakumbaba.  Nasa akin ang pagpapahalaga,” sagot sa amin ni ‘Nay Cristy.

Masayang-masaya kami para kina Nay Cristy at Kris at dito napatunayan na walang matigas na tinapay sa mainit na kape dahil halos magsolian na sila ng kandila noon sa mga patutsadahan nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending