Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya | Bandera

Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya

Therese Arceo |March 24,2023
facebook
share this

Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya

Therese Arceo - March 24, 2023 - 04:54 PM

Paul Salas sa naging relasyon nila noon ni Barbie Imperial: Ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya

AMINADO ang Kapuso actor na si Paul Salas na natagalan bago mawala ang sama ng loob nito sa kanyang ex-girlfriend.

Sa kanyang naging panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay naibahagi ng binata ang naramdamang takot at trauma sa kanyang nagdaang relasyon.

Wala mang binanggit na pangalan ay halata at malinaw na ang tinutukoy sa pag-uusap nina Paul at Boy ay si Barbie Imperial.

Kaakibat ng kanyang pag-amin sa trauma sa past relationship ay ang trauma rin na nadulot sa kanya ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.

Noong pandemic lang rin daw na-realize ni Paul ang mga ito na nadala niya pala nang hindi siya aware sa kanyang pakikipag-relasyon.

“Nung time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito yung time po na masasabi kong doon ko siya ni-love dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin dahil sa past traumas ko po.

“Alam kong hindi nag-work si Dad and Mom, love ko sila both, alam kong kahit may konting bias ako noon, alam kong ngayon na both silang nagkamali doon kung anuman ang naging sitwasyon na ‘yun,” pagbabahagi ni Paul.

Kaya nga raw dumaan siya sa puntong natatakot o nato-trauma kapag iniiwanan ng kanyang girlfriend noon.

Baka Bet Mo: Paul Salas na-trauma sa ex-girlfriend, promise kay Mikee Quintos: ‘Gagawin ko lahat para mag-work yung relationship namin’

“Hindi ko po alam yun hanggang sa makilala ko ito [Mikee]. At parang siya pa yung nakakita noon sa akin,” pagpapatuloy ni Paul.

Dito ay natanong ang binata sa kanyang nakaraang relasyon na talagang naging magulo ang pagtatapos dahil sa mga kwento na nailabas sa publiko.

Pag-amin pa niya, talagang naging toxic siya noon dahil may trust issues siya at madalas tamang hinala.

“Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso. Kasi feeling ko, konting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako,” lahad ni Paul.

Inamin rin niya, kamakailan lang nang mawala ang sama ng loob at bitterness na nadarama niya sa ex-girlfriend.

Actually, aaminin ko po, ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya. Kasi noong time na yun, hindi ko matanggap Tito Boy na, ilabas yung mga ganung news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo,” sey pa ni Paul.

Paglilinaw naman ng binata, sa ngayon ay ok na siya at masaya na sa kanyang relasyon sa kapwa Kapuso actress na si Mikee Quintos.

Mapapanood ang dalawa sa newest primetime series na “The Write One” kasama sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)

Related Chika:
Paul Salas feeling lucky na makatrabaho ang GF na si Mikee Quintos sa ‘The Flower Sisters’, umaming nag-struggle sa taping

Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending