Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok | Bandera

Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok

Ervin Santiago |March 22,2023
facebook
share this

Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 07:17 AM

Mikee Quintos, Paul Salas mas tumitibay ang relasyon habang dumadaan sa mga problema at pagsubok

Paul Salas at Mikee Quintos

EXCITED na ang mga supporters ng reel and real life Kapuso couple na sina Mikee Quintos at Paul Salas sa mga pasabog nilang eksena sa latest romance drama series ng GMA na “The Write One.”

Yes, abangers na nga ang fans nina Paul at Mikee sa mga pakilig at madadrama nilang eksena sa naturang Kapuso primetime series na nagsimula na nitong nagdaang Monday, March 20.

Hindi ito ang unang beses na nagsama sa isang project ang magdyowa pero mas espesyal at exciting nga ang proyektong ito para sa kanila dahil makakatrabaho nila rito ang mga kaibigan nilang sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Interesting ang tema at konsepto ng “The Write One” na may pa-multiverse effect din tulad ng super successful na “Maria Clara at Ibarra” nina Barbie Forteza, David Licauco, Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


Bukod dito, may “switching” partners pang mangyayari kung saan sina Ruru at Mikee ang magiging magdyowa habang sina Paul at Bianca naman ang magtatambal sa isang bahagi ng serye.

Baka Bet Mo: Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Samantala, diretsahang inamin ni Mikee sa ginanap na presscon ng “The Write One” na hindi rin perfect ang relasyon nila ni Paul. May mga pagkakataon na nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan.

Natatandaan pa ng magdyowa na kahit nasa taping sila ng bago nilang serye ay may mga araw na hindi sila okay as partners.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paul Salas (@paulandre.salas)


“‘Yung mga napapagdaanan naming arguments kung sakali mang may hindi kami ma-agreehan sa set, hindi niyo maiiwasan ‘yun,” pagbabahagi ni Mikee.

Sa ilang beses na pagsasama nila ng aktor ay marami pa siyang nadidiskubreng differences nila, “Working together talaga, magkaiba kami.

“I realized, kami ni Paul, magkaiba kami ng atake sa trabaho. Magkaiba ‘yung needs namin,” sey ni Mikee.

“Going through those small things, doon nagiging better ‘yung real life relationship namin and the way we work din on set,” dagdag ni Mikee.

Napapanood ang “The Write One” sa GMA Telebabad, 9:35 p.m.. Kasama rin dito sina Ramon Christopher, Lotlot de Leon, Alma Concepcion at marami pang iba.

Mikee nagselos sa babaeng kakilala ni Paul: ‘Na-bother ako, nainis pero normal naman ‘yun sa magkarelasyon’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending