Female star tumangging magbida sa bagong pelikula, hindi feel makasama ang kilalang aktor | Bandera

Female star tumangging magbida sa bagong pelikula, hindi feel makasama ang kilalang aktor

Reggee Bonoan - May 16, 2023 - 12:44 PM

Female star tinanggihan magbida sa bagong pelikula, hindi feel makasama ang kilalang aktor

Guess, guess who!? Sinetch itetch!?

“THE feeling is mutual!” Ito ang sabi ng producer at manager ng kilalang aktor tungkol sa aktres na tinanggihan ang kanyang alaga.

May nilulutong project kasi ang isang movie outfit para sa kilalang aktor at aktres pero tumanggi ang huli dahil conflict daw sa schedule niya plus hindi niya bet na makasama ito.

Siyempre nakarating sa producer at manager ang tsika dahil co-producer siya sa movie project at nabanggit ito ng kanyang partner.

Napailing ang producer at manager dahil iniisip niya, sino si aktres para tumanggi o tanggihan ang kilalang aktor, e, napakaraming fans nito hanggang sa ibang bansa.

Napatanong din kami sa aming sarili kung anong dahilan para tanggihan ni aktres ang kilalang aktor?

Iyon pala hindi rin type ng kilalang aktor ang aktres dahil parang nakasama na yata niya noong bago palang siya sa industriya at tila hindi maganda ang naging experience niya.

Anyway, anuman ang dahilan ni aktres ay for sure kawalan niya ito dahil ang magdidirek ng project ay kaliwa’t kanan ang awards at higit sa lahat, blockbuster lahat ang mga pelikula niyang mahilig mambitin sa ending, mag-iisip ka tuloy kung may sequel ito.

Baka Bet Mo: Mama Loi napa-‘Whaaaat?!’ sa talent fee ni Bea Alonzo

* * *

Mahigit sa 120,000 ang nakilahok sa SUMMER BLAST 2023 hatid ng NET25 na ginanap sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13.

Kung ang Chicago ay may Lollapalloza Music Festival at ang California ay may Coachella Valley Music and Arts Festival, ang Pilipinas may Summer Blast!

Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy at si Gloc-9.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood. Nasilayan naman ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga at Isabelle De Los Santos. Present rin ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mamamahayag na si Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo, mga actress na sina Meg Imperial at Regine Angeles.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aristotle Pollisco (@glocdash9)


Sina Alexa Miro, Jiro Custodio at Ai Dela Cruz ang nag-host sa concert. Inaliw naman nina Anthony Ocampo at Tonipet Gaba ang crowd sa pre-show ng concert. Bago pa ang concert ay nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksyon na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.

Nag-enjoy rin ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement.

Pinilahan naman ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue. Para naman sa mga hindi nakapanood sa mismong araw ng event, mabibigyan pa rin sila ng tsansang makisaya sa Summer Blast dahil ipalalabas ito sa NET25.

Abangan ang detalye sa social media platforms ng istasyon. Sa pagtutulungan ng pamunuan ng Philippine Arena, Maligaya Development Corporation at NET25, naging matagumpay ang kabuuan ng Summer Blast.

Kabilang sa sponsors ng malaking event na ito ang UnionBank, Purefoods, Salem, Executive Optical, Ketopi Philippines, Reinoldmax (WSG Group), Pepsi PH, Godwin Catering, Sunwealth Land Development Corp., Kettle Korn, Eat’s Tukka Time, Max’s, Pacific Synergy Food and Beverages, Skinny Manufacturing Corp., Moon Leaf, MKS, SUMMER BLAST 2023 PRESS RELEASE/ PAGE 3 Nature’s Spring, Kapelonggo. E-asypreneur, Canriv Corporation, YC Yummy Ventures, SSB Food Services Corp., Zandhats Express, Goshi Herbal Coffee at EW Villa Medica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paul tinanggihan ang alok ng Marcos admin na maging press secretary, hirit ng netizens: ‘Bakit hindi na lang si Toni?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending