Kilalang aktor bano pa ring umarte kahit nakailang workshop na, mabait lang kaya hindi nawawalan ng projects | Bandera

Kilalang aktor bano pa ring umarte kahit nakailang workshop na, mabait lang kaya hindi nawawalan ng projects

Reggee Bonoan |May 10,2023
facebook
share this

Kilalang aktor bano pa ring umarte kahit nakailang workshop na, mabait lang kaya hindi nawawalan ng projects

Reggee Bonoan - May 10, 2023 - 04:54 PM

Kilalang aktor bano pa ring umarte kahit nakailang workshop na, mabait lang kaya hindi nawawalan ng projects

Guess, guess who!? Makilala n’yo kaya kung sino siya?

NAAWA kami sa isang kilalang aktor dahil alam namin ang pagod at hirap niya sa isang programang napapanood ngayon.

Talagang pinagbubuti niya ang pag-arte para mapasaya ang mga manonood pero hindi naman pala nasisiyahan ang mismong mga kasamahan niya.

Maraming beses na naming narinig ang kuwentong ito na una ay dinedma lang namin dahil ang babaw kasi ng dahilan, pero nitong mga huling araw ay lagi na lang si aktor ang laman ng tsikahan ng mga magkakaibigang producers at directors.

“Ham actor” ang tawag nila sa aktor dahil kahit nakailang workshop na raw ito ay walang pagbabago sa pag-arte, kung saan lang siya kumportable ay iyon lang ang gagawin niya at hindi siya mag-e-effort pa na dagdagan iyon.

Kuwento ng aming source, “Suko na nga si ____ (direktor) sa kanya, hinahayaan na lang kunan ng kamera. Mapapansin naman din niya ____ (aktor) ‘yun kasi halos lahat ng kaeksena niya magagaling.”

Baka Bet Mo: Female celeb tinatraydor ng mga kaibigan sa showbiz, tsinitsismis na mukhang pera

In-imagine namin ang mga nakakaeksena ng aktor at oo nga mahuhusay naman pero meron naman ring hindi kagalingan lalo na’t hindi rin mabibigat ang mga ibinibigay na eksena sa kanila at ‘yung iba ay ilang taon pa lang sa industriya kaya halos ka-level lang din naman ng bida sa blind item na ito.

Sana lang ay may magpayo sa aktor na hindi lahat ng katrabaho niya sa programa ay gusto siya o baka sinasakyan na lang siya kasi nga isa siya sa mga bida.

“Ikaw ba gusto mo ang acting niya,” tanong ng aming source.

Napaisip kami at sabay sabing, “Keri lang naman dahil iyon ang karakter niya hindi naman hinihingi ng matinding drama. Ito na lang ang isipin mo, mabait siya at hindi pasaway sa set kaya siguro gusto siya ng producers.”

Dagdag din ng aming source, “Oo nga, sobrang bait kaya gusto nga siya ng producers dahil hindi magastos kaya kahit ham actor, okay na. Si direk lang namumroblema kasi nga may pangalan siyang iniingatan.”

Si aktor ay matagal na sa showbiz at marami naman na rin siyang naging projects both TV and movies.

Tsinek namin kung may awards na siya at may ilan-ilan naman, ‘yun nga lang hindi sa acting award…so alam na this.

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending