Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki Bandera

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Reggee Bonoan |June 29,2022
share this

Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki

Reggee Bonoan June 29, 2022 - 11:03 AM

Guess, guess who!? Kilala n’yo ba kung sino siya?

ANG matagal na naming duda na gay ang kilalang aktor ay kinumpirma ng isang personalidad nang makakuwentuhan ang common friend namin tungkol dito.

Mahusay umarte ang kilalang aktor at sa katunayan ay marami siyang projects sa TV network na kunektado siya at laging leading man ang papel.

Guwapo naman ang kilalang aktor kaya hindi naman kataka-taka kung may mga nagkakagustong aktres na nasa kaparehong network.

Pero nahihiwagahan kami kasi nga malamya ang kilalang aktor at lumakas ang duda namin nang makasalubong namin siya sa sikat na mall sa Quezon City na parang kumekembot maglakad na may kasamang non-showbiz guy.

Actually, ipinagtanong na namin ito sa mga kasamahan namin sa trabaho pero hindi rin kami masagot nang diretso kasi nga mabait ang kilalang aktor sa press kaya siguro ayaw itong kumpirmahin sa amin.

Well, hindi naman kami magkakilala ng aktor kaya wala kaming alam tungkol sa kanya hanggang sa nakatsikahan namin ang common friend ng kilalang personalidad at iyon nga nabanggit na gay nga raw ang aktor.

Wala namang masama sa pagiging miyembro sa LGBTQIA+ community pero marahil kaya hindi pa umaamin ang kilalang aktor ay dahil sa career niya lalo’t marami siyang projects ngayon na pawang leading man ang ganap at may ilang endorsements din siyang napapanood namin.

As of now ay walang ka-loveteam ang kilalang aktor dahil mas gusto ng nagpapalakad ng career niya na mag-solo na lang para puwede siyang itambal kahit kanino.

Clue: Smiling eyes ang kilalang aktor at laging naka-fit na pantalon.

Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?

Aktres kayod sa lock-in taping, may pinag-iipunan; mga kwentong LGBTQ tampok ngayong Pride Month

Kilalang celebrity nanganganib na malugi ang negosyo, major stockholder umatras na

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending