Proyekto ng kilalang aktor at aktres hindi na matutuloy, ayaw nang makatrabaho ang isa't isa...anyare?! | Bandera

Proyekto ng kilalang aktor at aktres hindi na matutuloy, ayaw nang makatrabaho ang isa’t isa…anyare?!

Reggee Bonoan |April 19,2023
facebook
share this

Proyekto ng kilalang aktor at aktres hindi na matutuloy, ayaw nang makatrabaho ang isa’t isa…anyare?!

Reggee Bonoan - April 19, 2023 - 09:28 AM

Proyekto ng kilalang aktor at aktres hindi na matutuloy, ayaw nang makatrabaho ang isa't isa...anyare?!

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino sila?

TRULILI kayang shelved na ang project ng kilalang aktor at aktres dahil hindi okay ang relasyon nila ngayon?

Naitsika sa amin ng isang insider ng network na hindi lang on-hold ang project ng dalawang sikat na personalidad kundi hindi na raw ito matutuloy dahil tila ayaw na nilang makatrabaho ang isa’t isa pagkatapos ng huli nilang pelikula.

Ayon sa kampo ng aktor, nagdamdam daw ito sa kampo ng aktres dahil tila siya ang sinisisi kung bakit hindi gaanong kumita ang pelikula nila gayung maganda ang record niya pagdating sa box-office.

Si kilalang aktres ay marami nang naging pelikula at masasabing kumita lahat pero team effort iyon dahil sikat ang leading man niya plus magaganda ang record nito.

Kaya sa ibang aktor ipinareha ngayon ang aktres na isa rin sa prime artist ng network kaya umokey ang huli dahil pareho naman silang sikat.

Baka Bet Mo: Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita

Sa kasalukuyan ay hindi pa nasisimulan ang bagong project ng kilalang aktres dahil ang leading man niya ay may tinatapos pa bago ulit simulan ang kanila kaya abala muna ang una sa kanyang out of the country pasyal kasama ang mga kaibigan.

May boyfriend si kilalang aktres na hindi gaanong nakakasama sa out of the country pasyal dahil abala ito sa kanyang mga negosyo at product endorsements bukod pa sa hobby nitong pangangarera.

Pero kapag out of town lang ay nagkakasama naman ni kilalang aktres ang boyfriend niya dahil anytime na kailanganin siya sa mga events ay nasisipot niya agad ito unlike pag out of the country ay mahabang oras ang biyahe.

Tungkol naman sa kilalang aktor na nagdamdam sa aktres ay may iba na rin itong gagawin at excited siya sa pinitch sa kanyang project ng award winning director na first time niyang makakatrabaho.

Banat ni Cristy Fermin kay Kuya Kim: Kapag hindi kayang panindigan, ‘wag magsalita

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian Gaza pinapatamaan nga ba si Priscilla Meirelles: If hindi mo siya kayang iwan, ‘wag mong i-announce sa lahat na niloloko ka niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending