Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe | Bandera

Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe

Reggee Bonoan |January 20,2023
facebook
share this

Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe

Reggee Bonoan - January 20, 2023 - 04:56 PM

Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe
HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa rin kami makapaniwala sa kuwento ng aming paru-parong source na walang ginawa kundi lumipad nang lumipad hanggang ibang bansa patungkol sa kilalang aktor.

Ang tarush, may partner in crime na ang aming paru-parong source dahil sa ibang bansa pala gumagawa ng milagro ang kilalang aktor na kaliwa’t kanan ngayon ang projects.

In fairness mahusay naman kasing umarte ang kilalang aktor ‘yun nga lang bilang sa sa daliri kung ilang pelikula niya ang kumita na pawang mild hit lang. May isa, dalawa o tatlo yata sa rami ng pelikulang nagawa na niya.

Gets naming maraming babae ang may gusto sa aktor at dahil palay na ang lumalapit sa manok kaya tuka na lang nang tuka ang bida sa blind item namin.

“Ito na nga, ang daming babae, di ba? Pero sa rami, walang inaamin kung seryoso siya o hindi, sabi lang niya okay sila, magkaibigan sila. So, hindi siya proud sa mga babaeng nakakasama niya? O baka usapan nila ni girl na FUBU lang sila,” say ng aming paru-parong source.

Anyway, ang ikinagulat namin ay ito, “may record ba si (kilalang aktor) na pumapatol sa aacla (filipino term for queer)? Wala naman di ba?”

Umayon kami na wala naman talaga dahil simula nang pasukin ng aktor ang showbiz ay walang balita dahil puro babae ang kasa-kasama niya.

“Actually, hindi naman pansin kasi hindi naman laging magkasama dito sa Pilipinas, sa ibang bansa sila nagkikita at mamahalin si (kilalang aktor), huh? As in luxury car ang bigay sa kanya,” diretsong kuwento ni paru-parong source.

Ang nakitang insidente ng aming kausap ay, “nagkita sina (kilalang businessman) at si (kilalang aktor) sa event ni (kilalang philanthropist/businessman).

“May naka-park na (luxury car) nakita ni (kilalang aktor) sobrang nagandahan siya at talagang panay ang sipat at hinawakan pa.

“Nakita ni (kilalang businessman) na kaibigan ni (kilalang philanthropist/businessman) ‘yung reaksyon ni (kilalang aktor) na laway na laway sa (luxury car),

“Nagulat na lang kami nu’ng tanungin ni (kilalang businessman) si (aktor) kung gusto niya ang (luxury car), ngumiti lang lolo mo at sabi hindi niya kayang bumili pa kasi may iba siyang pinaglalaanan sa mga kinikita niya.

“Sabi ni (kilalang businessman) hindi naman kita sisingilin, sa’yo na! alagaan mo na lang tapos tinanong nga ni (kilalang aktor) kung seryoso nga sa pagbibigay sa kanya ng mamahaling kotse at um-oo naman si (kilalang businessman).

“Tapos pag umaalis ng bansa si (kilalang aktor) sumusunod si (kilalang businessman) tapos nagkikita na lang sila somewhere.”

Sa madaling salita puwede sa babae at lalaki si kilalang aktor na talagang nakagugulat kasi nga wala siyang record na nakikipag close sa pareho niya ng gender.

Kaya kapag nakita raw si kilalang aktor na sakay ng luxury car ay alam na kung sino nagbigay.

Binalikan namin ng tanong ang paru-parong source na puwede namang ikatwiran ng kilalang aktor na binili niya ang magara niyang sasakyan.

“Sa estado niya, parang hindi pa naman niya kayang bumili kasi bread winner siya ng pamilya niya tapos wala pa siyang sariling bahay kaya tingin ko hindi naman uunahin nitong bumili ng magarang kotse kaysa sa bahay niya,” katwiran ng aming paru-parong source.

Related Chika:
Male star maraming drama sa buhay; Chinese businessman daw ang bagong dyowa

Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aktres naloka sa drama ng kilalang female star: Talagang dinededma niya ‘ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending