Aktres naloka sa drama ng kilalang female star: Talagang dinededma niya 'ko! | Bandera

Aktres naloka sa drama ng kilalang female star: Talagang dinededma niya ‘ko!

Reggee Bonoan |June 29,2021
facebook
share this

Aktres naloka sa drama ng kilalang female star: Talagang dinededma niya ‘ko!

Reggee Bonoan - June 29, 2021 - 04:40 PM

SOBRANG hinahangaan namin ang kilalang aktres na produkto ng isang reality show sa TV network dahil sa pagiging totoong tao niya.

Matagal na rin kaming hindi nagkikita ng aktres na ito dahil na rin sa COVID-19 pandemic, nawalan na kasi ng mga face-to-face presscon mula nang magka-lockdown.

Anyway, nagustuhan namin ang aktres na ito dahil isa kami sa pinagkatiwalaan niya noong panahong may nangyari sa buhay niya at nang malampasan na niya ito ay sinabi niyang, “Okay na, Ate. Salamat.”

Huli namin siyang nakatsikahan sa isang event para sa teleserye niyang nag-hit noon at aliw na aliw pa ang lahat sa kanya dahil ang dami niyang rebelesyon.

Kaya namin ito naikuwento ay dahil nagulat kami sa tsika ng sumisikat na transgender na aktres na nakasama niya sa isang programa.  Magkasama sila sa isang segment ng show pero hindi raw siya pinapansin ng aktres.

“Nu’ng una akala ko baka lang hindi niya ako napapansin kasi marami kami saka lagi siyang nagse-cellphone. Pero nu’ng kami na lang talaga kasi magkasama kami sa segment at si ____ (TV host actor) talagang dedma siya, as in.

“Imposible namang hindi niya ako nakita sa laki kong ito at malaking boses ko? Inisip ko na lang na baka nga hindi niya ako type kasi hindi naman ako sikat kaya siguro hindi ako belong.”

Hanggang sa narinig niya mismo sa aktres na masayang nakikipagtsikahan sa tropa niya at sinabi nitong, “Ayaw ko nang magdagdag ng kaibigan.”

Napaisip daw ang trans actress sa sinabi ng aktres na kaya raw hindi siya bet pansinin ay dahil ayaw na siyang idagdag sa kanyang friends list?

“Puwede naman niya akong hindi kaibiganin, okay lang naman sa akin. ‘Yun pala ang rason niya kaya hindi niya ako pinapansin,” pahayag pa niya.

Ang tanong, nagbago na nga kaya ang aktres? Puwede naman niyang hindi idagdag sa listahan ng friends niya ang trans actress, pero siguro being an artist at kasamahan niya sa programa, sana nagpagka-propesyonal na lang siya.

Hmmm, kapag nakita namin ang aktres na ito ay itatanong namin kung puno na ang listahan ng mga kaibigan niya para hindi na siya mamansin ng kapwa niya artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

If ever na totoong nagbago nga ang aktres, e, iisa lang ang nakapag-impluwensiya sa kanya na may ganitong ugali, ang taong malapit sa kanya ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending