Female celeb tinatraydor ng mga kaibigan sa showbiz, tsinitsismis na mukhang pera | Bandera

Female celeb tinatraydor ng mga kaibigan sa showbiz, tsinitsismis na mukhang pera

Reggee Bonoan |October 12,2022
facebook
share this

Female celeb tinatraydor ng mga kaibigan sa showbiz, tsinitsismis na mukhang pera

Reggee Bonoan - October 12, 2022 - 04:53 PM

Female celeb tinatraydor ng mga kaibigan sa showbiz, tsinitsismis na mukhang pera

hula-hula who? Kilala n’yo ba kung sinu-sino sila?

TOTOO talaga ang kasabihan na hindi lahat ng nakangiti ay mabait sa iyo lalo na sa mga nagsasabing “frenny” kayo pero pagtalikod ay kabaligtaran na ang nangyayari.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil naawa kami sa kilalang aktres na laman sa mga tsikahan ng malalapit nitong kaibigan isama pa ang mga nakalatrabaho niua sa TV series.

Maganda si kilalang aktres at marunong namang umarte at breadwinner siya ng pamilya niya.

Sa tsikahan ng mga kilalang personalidad, “Bongga si ___ (kilalang aktres) dahil parang kailan lang ay kayod to the max siya para sa pamilya niya.

“Wala kasing work ang parents.  In fairness marami rin namang offers sa kanya kaya kaliwa’t kanan ang exposures niya.

“Saka simple siya noon, pero now, o di ba, bongga? Panay na lang ang pasyal sa mga bansang mahirap abutin dahil kailangan marami kang datung para marating mo ang mga ito.

“In fairness hindi naman nahuhuli lola mo sa mga kasama niya kasi maganda nga siya at sossy din naman umasta kahit pa sabihing hindi sila masasabing mayamang pamilya,” sabi ng aming source.

May mayamang boyfriend kasi ang kilalang aktres at dahil mahilig maglilibot ang guy sa ibang bansa kaya lagi rin join ang dyowa niya.

Kawawa naman ang kilalang aktres dahil sa pagsama-sama niya sa boyfriend niya ay pinalalabas ng mga kaibigan niyang pera lang ang habol nito sa guy.

Hindi lang kami sure kung aware ang kilalang aktres sa mga ugali ng mga itinuturing niyang kaibigan na ikinukuwento ang personal na buhay niya sa ibang tao.

* * *

Angat ang mga palaro at talentong Pinoy dahil sa mas pinasiksik na mga programa sa PieNalo Pinoy Games, PieGalingan at Pak Palong Follow ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel.

Masayang mga larong tatak Pinoy kung saan bayanihan at diskarte ang kailangan ng mga nanonood sa kanilang mga tahanan sa PieNalo Pinoy Games.

Mula Lunes hanggang Biyernes maaring makapag uwi ang sambayanan ng hanggang P50,000 pesos.

Pagsapit ng Sabado, tiyak aapaw ang saya at papremyo hanggang P100,000 pesos sa “PoB Sana All!”  na interactive comeback ng sikat na ABS-CBN game show na “Pera o Bayong.” Tuwing Linggo naman mapapanood ang “Sino’ng Manok Mo?” kung saan may tsansang manalo ng perang papremyo ang 100 viewers.

Magsisilbing jocks naman ng shoq sina Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (Linggo).

“Mas naggu-grow kami ‘nung nadagdagan kami na hosts. Masaya po kami off-cam. Talagang ang iingay namin and meron kaming group chat na nagpaplano kami ng mga gusto naming suotin or gawin for the show,” sabi ni Eian.

Ibinahagi rin ni Nicki na nagdadasal sila bago magsimula ang kanilang palabas. “Before mag-start ‘yung show, nagdadasal kami. Palagi naming mantra sa show, magbabago kami ng buhay today. Kasi everyday marami kaming napapapanalong viewers,” saad niya.

Samantala, galing ang panlaban sa talent variety block na PieGalingan kasama sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado), at Pak Palong Follow kasama sina Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo).

Masaya naman si Anji na nabigyan ng pagkakataong maging isang PIE jock. “I feel so blessed na I’m here and I’m given this opportunity to showcase myself, my personality, and my talent,” kwento niya.

Samantala, nagbahagi naman si Jeremy G kung bakit malapit sa kanyang puso ang kanilang show na Pal Palong Follow.

“We give the platform to content creators to show their talents. And then we give them the opportunity to be exposed sa mga katroPIE natin,” sabi ni Jeremy.

https://bandera.inquirer.net/317159/sikat-na-leading-man-pakembot-kembot-na-rumarampa-sa-mall-habang-may-kasamang-lalaki

https://bandera.inquirer.net/314496/kilalang-aktor-tsugi-na-sa-isang-tv-series-dahil-masyadong-pa-diva

https://bandera.inquirer.net/293267/cristy-may-buwelta-sa-mga-bashers-hindi-ko-kailangan-ng-pera-para-magparetoke

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending