Kilalang aktor tsugi na sa isang TV series dahil masyadong 'pa-diva' Bandera

Kilalang aktor tsugi na sa isang TV series dahil masyadong ‘pa-diva’

Reggee Bonoan |May 28,2022
share this

Kilalang aktor tsugi na sa isang TV series dahil masyadong ‘pa-diva’

Reggee Bonoan May 28, 2022 - 05:09 PM

Kilalang aktor tsugi na sa isang TV series dahil masyadong 'pa-diva'

AWARE na siguro ang kilalang aktor na hindi na siya kasama sa mga susunod na lock-in tapings para sa malaking TV series dahil nagdahilan na siya na hindi niya type ang mahabaang pamamalagi sa malayong location.

Napundi na kasi ang buong team ng TV series dahil ‘pa-diva’ ang kilalang aktor at hindi nakikipag-cooperate para sa promo ng programa nila gayung umokay naman ito noong una.

Bawa’t kasamang artista sa TV series ay hinihingan ng video promo at namumukod tanging ang kilalang aktor lang ang tumanggi dahil hindi siya puwede o conflict sa araw na naka-schedule siya.

“Kesyo nagmamadali raw siya kasi may lakad siya, puwede naman niyang i-video ang sarili tapos ipadala na lang sa team, di ba? Pa-diva talaga siya, nairita sa kanya ang team kaya binawasan na siya ng araw,” tsika ng aming source.

Dahil malapit nang umere ang malaking TV series at ay ini-schedule na ang lahat ng artista para sa TV guestings para i-promote ang show at namumukod tanging ang kilalang aktor ang tumanggi dahil may prior commitment daw siya.

Lalong naloka raw ang production team ng show dahil lahat ay okay at siya lang ang wala, “sana kahit sa guesting lang nakita siya. Walang pakisama!”

Marami pang kuwento sa amin an gaming source na kaya pala hindi na rin siya nabibigyan ng project sa ibang TV network ay dahil sa ugali niya.

“Buti nga may kumukuha pa, hindi naman na siya sikat. E, ngayon niya malalaman ‘yan dahil kalat na sa TV prod. Alam mo naman di ba, pag may ugali ang artista, hindi na kinukuha,” sabi pa ng aming source.

Baka kasi hindi na need magtrabaho ng kilalang aktor dahil financially stable na siya at gusto na lang niyang bumiyahe ng bumiyahe at mangisda sa gitna ng dagat.

Related Chika:
Sexy actor tinanggihan ng mga leading ladies, mapagsamantala raw sa love scenes

Kilalang aktres pinagbawalang magkuwento tungkol sa negosyanteng dyowa

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending