Kilalang aktor panay ang tulog sa taping, 'sabaw' pa lagi sa eksena

Kilalang aktor panay ang tulog sa taping, ‘sabaw’ pa lagi sa eksena; MTRCB ipinatawag ang E.A.T. dahil sa pagmumura ni Wally Bayola

Reggee Bonoan |August 11,2023
facebook
share this

Kilalang aktor panay ang tulog sa taping, ‘sabaw’ pa lagi sa eksena; MTRCB ipinatawag ang E.A.T. dahil sa pagmumura ni Wally Bayola

Reggee Bonoan - August 11, 2023 - 06:23 PM

Kilalang aktor panay ang tulog sa taping, 'sabaw' pa lagi sa eksena; MTRCB ipinatawag ang E.A.T. dahil sa pagmumura ni Wally Bayola

blind item, Wally Bayola

SA rami ng raket ng kilalang aktor na talagang mahusay namang umarte talaga ay napapansing nagiging ‘sabaw’ na siya nitong mga huling araw at mas gustong laging tulog.

Understandable naman daw ng mga taga-production na kailangang matulog muna ng kilalang aktor para makabawi sa mga puyat niya kasi nga kaliwa’t kanan ang ginagawa, bukod sa serye ay may pelikula pang segue.

“Kaya sabaw ang lolo mo, imagine kapag eksena na ibinubulong na ang mga sasabihin niya kasi hindi na siya makapag memorya.  Kahit isang sentence lang hindi na makatanda sa kakapuyat.  Tapos ang hirap na niyang gisingin sa next scene kasi tulog,” kuwento ng co-star ng kilalang aktor.

Minsan naman daw ay nagugulat sila dahil ang taas ng energy ng kilalang aktor at ang bilis maka-memorya ng linya kahit ilang pahina pa ang script.  At sa oras ng pahinga ay gising at hindi natutulog at naglalaro ng mobile games.

‘Kaya ang weird di ba? Kami nagtataka talaga tapos kuwento naman nu’ng isang kasama namin, nagkasalubong daw sila at kukuha ng tubig kasi nauuhaw, ang baho raw niya parang kulob na ewan.

Baka Bet Mo: Gigi de Lana nabugbog ang katawan sa aksidente: ‘Nakahiga at tulog kasi ako tapos tumilapon po ako sa driver’s seat’

“Pero nu’ng magte-take na bagong ligo na kaya mabango at hindi na namin naamoy na mabaho,” kuwento pa ng co-star ni kilalang aktor.

Hmm, may nagkuwento na rin sa amin na may ganitong senaryo ang kilalang aktor lalo na noong napasama siya sa super sikat na aktor na may ka-loveteam din na sikat ding aktres.  Lagi raw nagkukulong ang dalawa sa van ng huli.

Sabi ng co-star ng kilalang aktor, “ang bata pa niya para sa mga ganyang bagay, habang kumikita siya sana mag-ipon siya hindi ‘yung kung anu-anong pinagkakagastusan.”

Parang praktikal naman itong si kilalang aktor dahil hindi mahilig magbibili ng mamahaling gamit base rin sa obserbasyon ng mga nakakatrabaho niya dahil hindi naman daw siya nasanay sa mga gamit na hindi kailangan hindi katulad ng nakakasama niyang super sikat na aktor na halos lahat na yata ng mamahaling gamit mula sasakyan ay nabili na niya.

***

Nag-isyu ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), motu proprio, ng “Notice to Appear at Testify” sa Production Group ng noontime variety show E.A.T hinggil sa pagmumura ng isa sa mga host ng programa na si Wally Bayola noong ika-10 ng Agosto 2023, na namataan ng MTRCB Monitoring and Inspection Unit.

Nilabag ng naturang eksena ang Section 2 (B),Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No.1986 (PD No. 1986).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Itinakda ang pagdinig sa ika-14 ng Agosto 2023, Lunes, sa MTRCB Offices sa Timog Avenue, Quezon City.

Ipinaalala ng MTRCB na anumang paglabag sa PD No.1986 at sa mga Patakaran at Regulasyon nito na namamahala sa mga pelikula, mga programa sa telebisyon, at kaugnay na promotional materials nito ay parurusahan ng suspensyon o kanselasyon ng mga permiso at/o lisensya na inisyu ng Board at/o ngpagpapataw ng multa, at iba pang uri ng administratibong parusa.

Hayan pantay na ang It’s Showtime at E.A.T. na parehong napatawag na ng MTRCB, siguro naman matatahimik na ang mga bashers ng noontime show ng TV5.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jose Manalo, Wally Bayola pinaglaruan sa noontime show ng TVJ: ‘Jurassic’ siya at hindi nakakatawa

Joyce Pring knows na kung bakit laging galit ang mga nanay; Althea Ablan, Elijah Alejo may aaminin sa TBATS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending