Jose Manalo, Wally Bayola pinaglaruan sa noontime show ng TVJ: 'Jurassic' siya at hindi nakakatawa | Bandera

Jose Manalo, Wally Bayola pinaglaruan sa noontime show ng TVJ: ‘Jurassic’ siya at hindi nakakatawa

Alex Brosas |July 10,2023
facebook
share this

Jose Manalo, Wally Bayola pinaglaruan sa noontime show ng TVJ: ‘Jurassic’ siya at hindi nakakatawa

Alex Brosas - July 10, 2023 - 07:43 AM

Jose Manalo, Wally Bayola pinaglaruan sa noontime show ng TVJ: 'Jurassic' siya at hindi nakakatawa

Wally Bayola at Jose Manalo

SOPHOMORIC para sa amin ang pagbabalik ng noontime show which starred Tito, Vic and Joey last week.

Ang production numbers ay so so lang and the jokes were almost “Jurassic” (outdated) at hindi nakakatawa.

What were bothered ay ang isang skit na slapstick ang pagkaka-deliver. Parang pinaglaruan sina Wally Bayola at Jose Manalo.

Mapanakit ang comedy skit which involved them and Vic. Imagine, nilagyan ng bulaklak sa ilong ang dalawa at  nilagyan ng makapal at malapad na parang rubber band sina Jose at Wally sa kanilang mga braso tapos hinigit ito ni Vic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dinig na dinig mo ang lakas ng pagkakahigit at alam na alam mong nasaktan ang dalawa. Hindi nakatatawa ang ganoong senaryo.  Hindi ito nakatatawa dahil may nasaktan sa ngalan ng komedya.

Ito ba ang bago sa naturang noontime show? What kind of a joke is this? Very slapstick, right?

The show started in a very festive ang mood. Ang daming gimik sa una pa lang. Inabangan ang van na maglalaman sa mga hosts ng show.

Ang daming van na dumaan, may truck pa nga, pero ang tagal dumating ng mga hosts. Nang finally ay dumating na sila, nagkagulo ang mga fans. Talagang tili sila nang tili.

Baka Bet Mo: Ruby nangungulila sa mga Dabarkads; may hugot para kina Jose at Wally

Actually,  mga junior hosts ang unang dumating na kinabibilangan nina Allan K, Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza at iba pa.
Sumugod na kaagad sila sa stage at nag-perform. Upbeat ang unang kanta, then, nag-slow music, and then balik sa upbeat.

Finally, dumating na ang TVJ, nag-walk sa hallway ng studio at may voice over pa. Slightly ay napaiyak ang tatlo as they were ushered on stage.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hindi rin naman exciting ang unang production number ng tatlo pero marami sa audience, mostly the families of the Sottos at pamilya ni Joey de Leon ang makikita sa audience na napaiyak while some were teary-eyed lang.

Special guest si Sharon Cuneta na kumanta ng hit niyang “Bituing Walang Ningning.” Sadly, sablay ang kanyang spot number dahil hindi niya na-reach ang high notes ng kanta.

Nagpasintabi siya at sinabing wala siyang practice. Obviously, she did it for the love  king Tito, Vic and Joey.

What’s nakakaloka is habang kumakanta si Sharon ay nagbalot ng pagkain sina Wally at Jose. Very in kasing joke iyong pagbabalot ng pagkain sa handaan while Bituing Walang Ningning is being played lalo na sa stanza na “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal”.

Hindi na bago ang joke na iyon na ginawa pa sa isang commercial ng isang softdrink.

Wally pinatunayan ang loyalty kina Tito, Vic & Joey, never tatraydurin ang Dabarkads: ‘Kung saan ang TVJ, du’n ako’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JoWaPao loyal na loyal sa TVJ: ‘Hindi mo pwedeng mabili ng kahit magkanong halaga ng pera ang utang na loob at respeto’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending