Wally pinatunayan ang loyalty kina Tito, Vic & Joey, never tatraydurin ang Dabarkads: 'Kung saan ang TVJ, du'n ako' | Bandera

Wally pinatunayan ang loyalty kina Tito, Vic & Joey, never tatraydurin ang Dabarkads: ‘Kung saan ang TVJ, du’n ako’

Ervin Santiago |June 08,2023
facebook
share this

Wally pinatunayan ang loyalty kina Tito, Vic & Joey, never tatraydurin ang Dabarkads: ‘Kung saan ang TVJ, du’n ako’

Ervin Santiago - June 08, 2023 - 12:48 PM

HINDI man diretsahang inamin ng veteran TV host-comedian na si Wally Bayola, mukhang may bahid nga ng katotohanan na inalok sila nina Paolo Ballesteros at Jose Manalo na mag-stay sa “Eat Bulaga.”

Kumalat ang balitang nag-offer umano ang TAPE Incorporated sa tatlong original Dabarkads na kilala rin bilang JoWaPao, na manatili sa “Eat Bulaga” matapos mag-resign ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Ngunit ang chika, hindi raw tinanggap ng tatlong TV host ang offer at nagdesisyong mag-resign na rin sa TAPE kasama ng iba lang Dabarkads tulad nina Allan K, Maine Mendoza at Ryan Agoncillo.

Ang latest, makakasama pa rin sila ng TVJ sa paglipat nila sa TV5 ngunit wala pang inilalabas na detalye ang network pati na ang grupo ng iconic trio kung ano na ang magiging title ng kanilang programa dahil inangkin na nga ng TAPE ang titulong “Eat Bulaga.”

Ayon kay Wally, na nagsimulang maging host ng longest-running noontime show sa Pilipinas noong 2000, walang pag-aalinlangan ang pagsama niya sa TVJ at pakikisimpatya sa mga ito.

Baka Bet Mo: Tali Sotto ikinumpara si Wally Bayola sa ‘squid’, Pauleen Luna natawa

“Hindi lang nakikisampatiya kasi meron siyempre, I go for the group, e.

“Hindi talaga ako… kahit pa sabihin na meron pa na yung lumabas nga na pinipili kami to stay, but alam mo yun, ‘Ah, okay,’ ma-overwhelm ka, pero hindi, e. Hindi talaga. Kung saan yung TVJ, dun ako,” ang sabi ni Wally sa interview ng TV5 reporter na si MJ Marfori kahapon, June 7.

Pagbabahagi pa ng komedyante, noong mga huling linggo raw nila sa “Eat Bulaga”, nakaramdam na siya ng kalungkutan kadahil hindi na raw nila nakikita at nakakasama sa APT Studio si Tony Tuviera, ang partner ni Romeo Jalosjos, Sr., sa TAPE.

Matatandang nag-retire na ang TV executive bilang CEO at President ng TAPE.

Pagpapatuloy ni Wally, “Tapos at the same time, nararamdaman ko na rin yung changes. Na, unang-una nalulungkot ako, yung sarili ko ba, personal, nalulungkot ako.

“Parang hindi ko na nakikita nang personal si Mr. T dun sa studio, na halos for almost 23 years na talagang naging tatay naming lahat.

“Na hindi na namin nakikita si Mr. T. Wala na kami makasabay na boss na halos kumakain, na sabay-sabay namin,” dagdag pa ni Wally.

Aniya pa, “Yung kahit nonsense mga pinag-uusapan namin, parang biru-biruan lang, kamustahan ng buhay-buhay, alam mo yung pamilya talaga kami. Yung napi-feel talaga namin na alaga ka ng boss mo.

“Parang nawala na si Mr. T, nalulungkot ako. Ito yung akin lang, aside from the other kung ano pang ano.

“Nalulungkot ako, tapos, ‘Oo nga, wala na si Mr. T.’ Tapos nararamdaman ko na yung changes nung programa, sa production,” chika pa ng komedyante.

Samantala, balitang sa first week ng July magsisimula sa TV5 ang gagawing programa ng TVJ at ng mga original Dabarkads.

Related Chika:

TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruby nangungulila sa mga Dabarkads; may hugot para kina Jose at Wally

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending