Ruby nangungulila sa mga Dabarkads; may hugot para kina Jose at Wally | Bandera

Ruby nangungulila sa mga Dabarkads; may hugot para kina Jose at Wally

Ervin Santiago - May 30, 2021 - 09:20 AM

KAHIT nasa Amerika na ngayon at doon na nagtatrabaho para sa panibagong yugto ng kanyang buhay, nananatili pa rin ang puso ni Ruby Rodriguez sa Pilipinas.

Ramdam na ramdam ng kanyang mga tagasuporta at social media followers ang pangungulila ng TV host-comedienne sa mga kaibigan at dati niyang mga kasamahan sa noontime show na “Eat Bulaga”.

Hindi na kasi nakabalik sa programa si Ruby simula noong mag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic. Kaya naman nagdesisyon na siyang manirahan muna sa US kasama ang kanyang pamilya.

Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California base na rin sa ipinost niyang litrato sa Instagram na kuha sa loob ng kanilang opisina.

Sa isa pang post ng komedyana sa IG, may ipinakilala siya sa kanyang followers na bago raw niyang kasamahan sa trabaho at pinangalanan nga niya itong “Wally.”

Aniya sa caption ng photo, “My new friend colleague. I call him Wally (face with tears of joy emoji) kaya bukas meron din kami jose pa picture din ako (two face with tears of joy, heart emojis).”

Kaya naman feel na feel ng mga netizens na talagang super miss na ni Ruby ang mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga”, partikular na sina Wally Bayola at Jose Manalo.

Nag-comment naman ang kaibigan ni Ruby at celebrity hairstylist na si Pin Antonio sa kanyang IG post. Anito, “See! Para di ka ma sad. BINIBIGYAN ka ng new found friends that will love you all the same.”

Isa pang dating katrabaho ni Ruby na tinawag niyang “Kuya Rene” ang nagbigay ng mensahe sa kanya, “This month would have been my 29th year in EB. My 1st gig was the sunsilk santacuzan motorcade along roxas blvd.

“You were the reyna elena or hermana mayor. Kasama mo pa sa float ang nga lmp kids. Wayback wednesday memories,” sabi pa nito kay Ruby.
Sagot naman niya, “@papixure_ne kuya rene!!! Ako 31yrs! Ganon eh paano…. miss u po.”

Samantala, inamin naman ni Ruby na tuloy pa rin ang pag-a-adjust niya sa bago niyang buhay at career sa Amerika.

Nag-post pa siya ng isang litrato kung saan nakatingin siya malayo at nakapangalumbaba. Sey niya sa caption, “Think think think… what now????? God will take care of us.”

May isa pa siyang IG post kung saan inamin niyang hindi pa siya sanay sa pagsakay sa subway matapos hindi makababa sa tamang istasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The fAce u get when u miss ur stop!!! (three face with tears of joy emojis),” sabi ni Ruby sa caption.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending