Joyce Pring knows na kung bakit laging galit ang mga nanay; Althea Ablan, Elijah Alejo may aaminin sa TBATS | Bandera

Joyce Pring knows na kung bakit laging galit ang mga nanay; Althea Ablan, Elijah Alejo may aaminin sa TBATS

Ervin Santiago - August 08, 2021 - 12:54 PM

MULA nang isilang ang panganay na anak nila ni Juancho Trivino na si Baby Alonso Eliam, isang buwan na ring halos walang tulog si Joyce Pring.

Ito’y dahil nga sa pagiging hands-on mommy ng Kapuso TV host, lalo pa’t isa siyang proud padede mom kaya kahit madaling-araw na ay nagpapa-breastfeed pa rin siya.

Dito bilib na bilib si Juancho sa kanyang asawa dahil bukod sa pag-aalaga sa kanilang baby ay marami pa rin itong nagagawa at naa-accomplish bilang misis.

Ayon kay Juancho, talagang mami-miss niya nang bonggang-bongga ang asawa’t anak kapag bumalik na siya sa pagtatrabaho bilang artista at napasabak na sa matagalang lock-in taping.

Sabi ni Juancho, “Ako ang perspective ko siyempre, ibang-iba na. Sa mga oras na kailangan kong lumabas ng bahay para asikasuhin ‘yung mga errands, gustong gusto ko na umuwi agad para makasama sila.”

Papuri pa niya kay Joyce, “Siya ‘yung up until now, one month, halos wala pa ring tulog.

“Grabe, nakakabilib siya, nakakabilib ‘yung persistence niya, ‘yung patience niya kay Liam. So doon talaga ako walang masabi sa kanya,” aniya pa.

Kamakailan, nag-post si Joyce sa Instagram ng isang litrato kung saan makikitang nagbe-breastfeed siya kay Baby Liam habang natutulog naman si Juancho.

Ani Joyce sa caption, “Now you know bakit laging galit mga nanay natin…kami kasi ‘yung laging walang tulog.”

* * *

Wala pa ring tigil ang magaganap na kulitan at kasiyahan dahil ang mga Kapuso youngstars na sina Althea Ablan at Elijah Alejo ng “Prima Donnas” ang special guests para sa fresh episode ng “The Boobay and Tekla Show” tonight sa GMA 7.

Sasagutin ng dalawang bagets ang mga nakakaintrigang tanong sa “May Pa-Presscon” at sasabak din sila sa sub-segment na “Mamahalin o Kakaibiganin” na tiyak na maghahandog ng tuwa at kilig sa mga manonood.

Mapapanood din sa episode na ito ang hindi sinasadya na pagbubunyag nina Althea at Elijah ng kanilang mga crush na young Kapuso actors.

Sa nakatutuwang comedy segment na “Ang Arte Mo,” ipapamalas ng Prima Donna stars ang kanilang galing at talino sa pag-improvise.

Kagaya ng nakaraang episode, nagbabalik ang pinakapaboritong segment ng manonood na “Birit Showdown” kung saan susubukan nina Althea, Elijah, Boobay, Tekla, at Mema Squad na ipakita ang kanilang husay sa pagbirit ng mga sikat na kanta.

This Sunday night, makakasama rin nina Boobay at Tekla ang Mema Squad na kinabibilangan ng mga beteranong komedyante na sina Pepita Curtis, Mariko, Kitkat, at Ian Red.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tuloy-tuloy ang laughtrip kahit mayroong krisis kaya huwag palampasin ang nakatutuwang episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending