Aktor na 'di kagalingang umarte isinusumpa ng kilalang aktres, mayabang raw at walang respeto? | Bandera

Aktor na ‘di kagalingang umarte isinusumpa ng kilalang aktres, mayabang raw at walang respeto?

Reggee Bonoan |December 10,2022
facebook
share this

Aktor na ‘di kagalingang umarte isinusumpa ng kilalang aktres, mayabang raw at walang respeto?

Reggee Bonoan - December 10, 2022 - 10:22 AM

Ano kaya ang ginawa ng aktor na hindi kagalingang umarte at galit na galit sa kanya ang kilalang aktres at sumusumpang ayaw na siyang maka-trabaho?

Nagulat lang kami sa kuwento ng aktres na kaibigan ng kilalang aktres na apat na taon na pala niyang kinikimkim ang galit niya sa aktor na hindi kagalingang umarte dahil sa panahong magkasama sila sa isang serye ay tahimik lang siya dahil nga iniisip niya na trabaho lang ang lahat.

Pero abusado pala ang aktor na hindi kagalingang umarte dahil may mga eksenang medyo maselan ay hindi man lang naramdaman ng kilalang aktres na iginalang siya nito at hindi rin daw marunong humingi ng dispensa.

“Walang respeto, mayabang pa,” kaswal na sabi naman ng personal assistant ng aktres na kaibigan ng kilalang aktres.

Kaya napag-usapan ang tungkol sa isyung ito na matagal ng kinikimkim ng kilalang aktres ay dahil may alok sa kanilang dalawa at magalang na tinanggihan ito ng dalaga.

Samantalang si aktor na hindi kagalingang umarte ay gulat na gulat dahil nakarating sa kanya na tinanggihan siya ng kilalang aktres.

“Sabi ni (aktor na hindi kagalingang umarte) nagsama na raw sila before kaya magkakilala na bakit tumanggi,” sabi pa ng personal assistant ng aktres na kaibigang ng kilalang aktres.

Dagdag pa, “mukhang wala ng maalala si (aktor na hindi kagalingang umarte) kasi takang-taka siya na inayawan siya, e, okay naman daw sila sa shoot.”

Anyway, mukhang inaalat naman ang aktor na hindi kagalingang umarte dahil wala siyang proyekto ngayon at hirap na siya sa buhay lalo’t tumutulong siya sa kanyang magulang at dahil sa kakapusan ay nabenta na niya ang ilang mahahalagang gamit.

Related chika:

Xian Gaza dinenay na si Wilbert Tolentino ang bida sa pasabog na blind item: Inosente po ako…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

RR Enriquez inaming siya ang nasa blind item ni Cristy Fermin: Pero mali ang information

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending