Sexy actor tinanggihan ng mga leading ladies, mapagsamantala raw sa love scenes | Bandera

Sexy actor tinanggihan ng mga leading ladies, mapagsamantala raw sa love scenes

Reggee Bonoan |March 04,2022
facebook
share this

Sexy actor tinanggihan ng mga leading ladies, mapagsamantala raw sa love scenes

Reggee Bonoan - March 04, 2022 - 07:03 PM

Sexy actor tinanggihan ng mga leading ladies, mapagsamantala raw sa love scenes
AWARE kaya ang sexy actor na dalawang sexy star na ang tumanggi sa kanya bilang leading lady niya sa isang pelikula na idi-direk ng in-demand director ngayon.

Ito ang tsikahan ng ilang taga-production na nakarating sa media.

Ang dahilan ay hindi na type ng dalawang sexy star makasama ang sexy actor dahil nananamantala sa love scenes nila na wala naman sa usapan na may gagawin ganu’ng eksena.

Bago kasi kunan ang maseselang eksena ay pinag-uusapan ito ng cast pati ng direktor kaya kampante naman ang mga leading lady pero paggiling ng kamera ay nagugulat na lang sila dahil sumobra ang ginagawa ng seksi aktor.

Hindi na lang daw pumalag ang sexy star para matapos na ang eksena at hindi na ipaulit ng direktor.

In fairness one-take lang kaya okay na sa sexy star at hindi na rin niya sinita ang sexy actor pero ipinarating daw ito sa direktor at sa manager niya.

Kumita ang pelikula kaya may follow-up na same cast at tumanggi na nga ang dalawang sexy stars kay actor.

Ano ba kasi ginawa ng sexy actor?

Sa kissing scenes nila ay inilalabas ng aktor ang dila niya na tila naninipsip ng kuhol at sa bed scenes naman ay kung saan-saan pumupunta ang mga kamay nito kaya naloka ang sexy stars.

Kaya mas okay na raw na hindi magka-pelikula ang sexy stars kaysa makasama ang sexy actor.

Kaya pala kahit may edad na ang isa ring sexy actor ay gusto siyang makasama ng sexy stars dahil sobrang gentleman at hindi nanamantala sa leading ladies nila.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alice inatake ng ‘sepanx’ nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng ‘First Lady’
‘First Lady’ nina Gabby at Sanya hindi lang basta pa-cute, pakilig: It’s no joke to be the president’s wife
Nathalie Hart umaming naging anorexic: I’m now comfortable with my skin, with my own body

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending