Alice inatake ng 'sepanx' nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng 'First Lady' Bandera

Alice inatake ng ‘sepanx’ nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng ‘First Lady’

Ervin Santiago |February 07,2022
share this

Alice inatake ng ‘sepanx’ nang mawalay sa anak para sumabak sa lock-in taping ng ‘First Lady’

Ervin Santiago February 07, 2022 - 04:39 PM

Alice Dixson at Baby Aura

MARAMI na ang excited sa nalalapit na pagsisimula ng Kapuso romcom series na “First Lady” na pagbibidahan nina Sanya Lopez, Gabby Concepion at Alice Dixson.

Ito nga ang pinakaaabangang book 2 ng hit teleserye ng GMA 7 na talaga namang nagpasikat pa nang todo kay Sanya at maihanay sa mga Kapuso primetime princess.

At sa pagbabalik nga ng tambalan nina Gabby at Sanya sa “First Lady” asahan ang mas nakakaloka at nakaka-excite na twist and turns sa istorya ngayong mag-asawa na ang mga karakter nilang sina Melody at President Glenn Acosta.

Isa sa mga dapat abangan na siguradong ikagugulat ng viewers ay ang pagdating ng karakter ni Alice bilang si Atty. Ingrid Domingo na isang balikbayang abogado mula sa Amerika.

Plano kasing maghiganti ni Ingrid kay President Glenn matapos siyang iwan nito para bumalik sa Pilipinas. At ngayong Pangulo na ang dating karelasyon nakabuo siya ng plano para maresbakan ang ex-dyowa.

Mag-a-apply siya ng trabaho sa Malacanang at tatanggapin naman siya ni President Glenn Acosta bilang bahagi ng team ng kanyang political adviser. Ang hindi niya alam, may masamang balak talaga sa kanya si Ingrid.

Kaabang-abang din ang mga paandar na confrontation scenes nina Sanya at Alice sa serye lalo na ang batuhan nila ng punchlines at hugot lines sa mga eksena.

Kuwento ni Alice sa ginanap na digital mediacon ng “First Lady”, isang malaking sakripisyo ang ginawa niya nang tanggapin ang bagong serye ng GMA.


Nag-enjoy at super happy naman daw siya sa kanilang lock-in taping, ang tanging issue lang daw niya ay nang mawalay siya nang matagal na panahon sa kanyang anak na si Baby Aura. Matinding sepanx o separation anxiety daw talaga ang naramdaman niya.

“I miss her so much. Lalo na ngayon, malaki na siya, very responsive na. Mas nakaka-miss na. 

“Sa second leg ng taping namin, baka isama ko siya sa taping kung papayag ang GMA, para hindi namin sobrang ma-miss ang isa’t isa,” pahayag ni Alice.

Kuwento pa ng aktres at dating beauty queen, ang first leg ng lock-in taping ng “First Lady” ay ginanap sa Thunderbird sa La Union at Ascott Hotel sa Makati. 

Nakatakda naman ang second leg ng lock-in taping ng serye very soon sa isang resort hotel sa Rizal. At kasama pa rin dito ang ilan sa original cast members na sina Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Thou Reyes, Clarence Delgado, Pilar Pilapil, Pancho Magno, Kakai Bautista, Cai Cortez, Glenda Garcia at marami pang iba.

Mapapanood na ang “First Lady” sa GMA Telebabad sa mismong Valentine’s Day, Feb. 14, sa direksyon ni LA Madridejos. Ito ang papalit sa magtatapos nang serye nina Paolo Contis, Richard Yap at Heart Evangelista, ang “I Left My Heart in Sorsogon”.

Alice maraming pinaiyak sa video ni Baby Aura; ‘Legal Wives’ ni Dennis sasabak uli sa lock-in taping

Alice nag-a-adjust pa bilang mommy ni Baby Aura: Hindi ko pa siya nalalaro at nakakasama ng 100%

Payo ni Bong kay Sanya: Magpakabait ka lang at huwag lalaki ang ulo

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending