Willie personal na dinalaw si Joshua; May nilulutong project kasama si Kris | Bandera

Willie personal na dinalaw si Joshua; May nilulutong project kasama si Kris

Ervin Santiago |July 23,2018
facebook
share this

Willie personal na dinalaw si Joshua; May nilulutong project kasama si Kris

Ervin Santiago - July 23, 2018 - 04:28 PM


TUWANG-TUWA ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Joshua nang personal siyang dalawin ni Willie Revillame sa kanilang bahay kanina. Kalalabas lang ni Joshua sa ospital matapos ma-confine ng ilang araw.

Isa si Willie sa mga taong malalapit kay Josh kaya nang makita niya uli ang kanyang Tito Wil, kitang-kita raw sa mga mata nito ang kaligayahan, sa katunayan napakanta pa raw ito ng mga pinasikat na kanta ng TV host-comedian.

Mas natuwa pa si Joshua nang bigyan ng CD at jacket ng kanyang Tito Wil. Balak din daw ipasyal ng Wowowin host ang anak ni Kris gamit ang kanyang Ferrari. Unti-unti na raw nakaka-recover si Joshua mula sa ilang araw na pagkaka-confine at ma-diagnose ng Erosive esophagitis due to severe acid reflux and ulcers.

Sabi nga ni Kris sa kanyang Instagram post, “He’ll be on medication for 12 weeks & we’ll do a repeat colonoscopy. Magtitiwala po ako na sa dami nyong nagdarasal para sa kay kuya, God will heal him.”

Kasabay ng pagdalaw ni Willie kay Joshua, balitang nag-meeting na rin ang TV host at ang Queen of Social Media para sa pagsasamahan nilang proyekto. Wala pang detalye tungkol dito pero balitang super excited na ang magkaibigan para sa bago nilang collaboration.
Reply Reply to All Forward More

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending