Xian Gaza spotted kasama ang ex ni Zeinab na si Skusta Clee: At least alam ko na kung bakit siya na-inlove | Bandera

Xian Gaza spotted kasama ang ex ni Zeinab na si Skusta Clee: At least alam ko na kung bakit siya na-inlove

Therese Arceo |March 23,2023
facebook
share this

Xian Gaza spotted kasama ang ex ni Zeinab na si Skusta Clee: At least alam ko na kung bakit siya na-inlove

Therese Arceo - March 23, 2023 - 06:50 PM

Xian Gaza spotted kasama ang ex ni Zeinab na si Skusta Clee: At least alam ko na kung bakit siya na-inlove
HULI ang self-proclaimed Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza habang ka-bonding ang ex-dyowa ni Zeinab Harake na si Skusta Clee.

Sa katunayan, ibinahagi pa nga niya ang kanilang larawan habang nag-iinuman.

Saad ni Xian sa kanyang caption, “Sabi ni Angel, wala daw siyang masabing hindi maganda kay Zeinab. Mabuting tao daw ito. Sadyang napapaligiran lang ng mga maling tao.”

“Sundot naman ni Flow G eh bilib na bilib daw siya kay Skusta kasi sa kabila ng lahat eh hindi niya pinagsalitaan ng masama yung nanay ng anak niya at nanatiling tahimik sa mga issue.”

Chika pa ni Xian, sinabi raw ni Skusta na kailangan niyang manahimik bilang tanda raw ng kanyang pag-respero sa ina ng kanyang anak lalo na’t siya na raw ang nagkasala kaya hindi na siya nagsalita.

Bago maghiwalay sina Skusta at Zeinab ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang cute na baby girl na pinangalanang Zebbiana o Bia. Samantala, hindi naman nabuhay ang dapat sanang second child nila na si Baby Moon.

Sabi pa ni Xian, miss na miss na raw niya ang anak pero tanggap niya ang kapalit ng nagawa niyang kasalanan.

“Sa totoo lang, wala namang sinasabing masama si Zeinab tungkol sa inyong tatlo. Hindi namin kayo napag-uusapan. Sana ako yung maging tulay para magkaroon ng forgiveness and healing yung bawat isa. Para sa peace of mind na rin ng lahat.

Baka Bet Mo: Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

“Hindi niyo kailangang magbalikan. Ang kailangan niyo lang ay kapayapaan. Hindi ka man naging mabuting asawa kagaya ko eh sana mabigyan ka ng pagkakataon na maging mabuting ama at kung sakali man eh huwag na huwag mo itong sasayangin,” sey ni Xian kay Skusta.

Nakaka-relate at alam rin daw kasi niya ang pakiramdam ng Ex-Battalion member lalo na’t pinagdaanan niya rin ito sa kanyang dalawang anak.

Sa hiwalay na post naman ay ibinahagi ni Xian ang screenshot kung saan makikitang parehas na nag-heart reax si Zeinab at Skusta sa kanyang message.

“Naniniwala ako na may karapatan si lalaki na makita ang sarili niyang anak kahit hiwalay na sila ni babae pero naniniwala rin ako na karapatan ni babae na ilayo ang bata sa ama kung ang buhay nito ay wala sa tamang katinuan.

“Naniniwala rin ako na dapat bigyan ni babae ng pagkakataon si lalaki na patunayan yung sarili niya sa bata dahil naniniwala ako na maaaring magbago ang isang tao. Naniniwala ako na pwedeng maging mabuting ama ang isang lalaki kahit na siya ay walang kwentang asawa,” lahad ni Xian.

“Naniniwala ako na karapatan ng bata na makitang maayos yung relasyon ng kanyang magulang kahit hiwalay na sila at may kanya-kanya ng buhay,” dagdag pa niya.

Well, happy naman naman si Xian na makilala at maka-bonding ng personal si Skusta.

“Palaisipan kasi sa akin ever since kung bakit siya nabaliw sa lalaking ito. Matinong tao naman pala. May mga maling desisyon lang talaga. Pinasama lang masyado sa social media. Well, I’m guilty of it. Isa rin ako sa nanira sa kanya.

“Basta ito lang masasabi ko. Makinig kayo.
‘Naniniwala ako na walang taong pangit, depende lang yan sa iyong katabi kaya choose wisely’,” hirit pa ni Xian Gaza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Para kay Skusta Clee nga ba ang hugot ni Zeinab Harake na ‘Make sure you’re a good man’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending