Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga… Bandera

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Therese Arceo |May 10,2022
share this

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

Therese Arceo May 10, 2022 - 07:38 PM

Xian Gaza kay Skusta Clee: Napakapangit mo na nga…

MAY patutsada ang self-proclaimed “Marites na Lalaki sa Pilipinas” na si Xian Gaza sa singer/composer at miyembro ng Ex Batallion na si Skusta Clee o mas kilalang Daryl Borja sa tunay na buhay.

Noong Linggo ay walang kaabog-abog na nag-post ang certified Marites sa kanyang Facebook na tila pinatutungkulan ang isa sa mga kontrobersyal na personalidad sa social media.

“Napakapangit mo na nga tapos babaero ka pang tukmol ka,” simula ni Xian.

“Zeinab, dito ka na lang sa lalaking to,” dagdag pa niya na may kasamang picture niya.

Lumabas ang pahayag ni Xian matapos mag-trending ang interview ni Zeinab sa vlog ng TV host-actress na si Toni Gonzaga na ipinalabas noong Mother’s Day.

Sa unang pagkakataon kasi ay nagsalita na ang isa sa mga sikat na vlogger patungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan at inaming sa ngayon ay isa na siyang single mother.

Ikinuwento rin nito na noong mga panahon na dinadala niya ang pangalawang anak sana nila na si Baby Moon ay niloloko na siya ng kanyang kasintahan at noon ngang tuluyang mawala ang sanggol ay mag-isang hinarap ni Zeinab ang lahat dahil iniwan siya ni Skusta Clee.

Matatandaang isa rin si Xian sa mga nag-react at nakisawsaw nang kumalat ang chika na tila naghiwalay na ang dalawa matapos mamataang mag-isa lamang si Zeinab ng ilibing nito si Baby Moon. Bukod pa rito ay wala rin si Skusta sa mga posts niya maging ng mga kasamahan nito sa Team Zebby.

Dito ay pinost ni Xian ang litrato ni Skusta na may kasamang ibang babae habang nakikioag-video call sa dalawang tao.

Dahil rito ay marami sa mga tao ang nag-akala na baka ito nga ang ipinalit ni Skusta kay Zeinab.

Kaya naman hindi na kataka-taka nang ma-bash ang babae ng madlang pipol na sumusuporta sa vlogger.

Ngunit agad rin nilinaw ni Zeinab na hindi ito ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ng miyembro ng Ex-Batallion dahil kaibigan lang ito ni Skusta.

Sa ngayon naman ay burado na ang post ni Xian patungkol kay Skusta Clee.

Related Chika:
Skusta Clee nakabuntis nga ba kaya hiniwalayan ni Zeinab Harake?

Xian Gaza nanganganib makasuhan ng cyber-libel sa pakikisawsaw kina Skusta Clee at Zeinab Harake?

Zeinab Harake tinanggal na ang mga litrato ni Skusta Clee sa Instagram, hiwalay na raw?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending