Duterte binanatan ni Jonathan Manalo sa paggamit kay Ninoy: Objection po!
MATAPANG na inalmahan ng creative director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo ang mga pinagsasabi ni Vice President Sara Duterte laban kay President Bongbong Marcos, Jr..
Ito’y konek pa rin sa naging statement ni VP Sara sa naging sagot ni Pangulong Bongbong sa ginawang pagbabanta sa kanyang buhay at sa First Lady na si Liza Araneta-Marcos, pati na rin kay House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa Bise Presidente, umaalma rin siya sa naging pahayag ni PBBM tulad ng pagpalag ng taumbayan noon sa ginawa raw ng pamilya Marcos kay dating Sen. Ninoy Aquino.
“Pumalag nga yung buong bayan noong pinatay ng pamilya nila si Benigno Aquino Jr.,” sabi ni VP Sara. “Papalagan ko rin yung ginagawa nila sa akin,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Cristy Fermin binalaan si Kris Aquino ukol sa pelikula ni Darryl Yap: Ikaw ang umimbento ng katapat mo ngayon
Kasunod nito, ipinost ng Star Music executive na si Jonathan Manalo sa kanyang Instagram page ang video ni VP Sarah at sinabing walang karapatan ang mga Duterte para gamitin ang pangalan ni Ninoy Aquino sa kinasasangkutan nilang isyu at kontrobersiya.
“Objection po madam VP – walang karapatang gamitin ng mga Duterte sa narrative nila si Ninoy Aquino pagkatapos nang ginawa ninyong pagyurak sa mga simbolo ng Edsa People Power Revolution noong kayo ang nasa kapangyarihan!” ang matapang na pahayag ni Jonathan.
View this post on Instagram
Marami ang sumang-ayon sa post ng Star Music executive. Narito ang ilan.
“Agree! wag gamitin si Ninoy… naghahanap kakampi???”
“Madam- pamilya ninyo ang pumayag na ilibing ang Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nakalimutan mo na? Kapal.”
“Dami ng nadamay ah…kawawa Pinoy Dami problem dapat harapin.may mga kababayan p tayo Hindi pa nkk ahon s sunod sunod n bagyo.”
“Ugh! Grabe talaga mindset ng family ito (and their supporters).”
“Pikon talo si shimenet . nanggagamit pa ng tao .Manang mana sa Ama ,puro patayan.”
“LoL yung tatay nga nya pinalibing sa libingan ng nga bayani ai Marcos Sr. tas ngayon ginagawa nyang example.”
“Wag mong ibahin topic… at mali ang sinasabi mo sa mga Marcos mababait sila period.”
Si Ninoy Aquino ang itinuturing na pinakamatinding kritiko noon ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, Sr., ang ama ni PBBM. Isa si Ninoy sa mga unang inaresto matapos ang deklarasyon ng martial law noong 1972.
August 21, 1983 nang patayin si Ninoy sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport na ngayon), na naging hudyat ng EDSA People Power Revolution na kalauna’y siyang nagpatalsik sa mga Marcos mula sa Malacañang.
Ilang dekada na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakakamit ni Ninoy at ang hustisya sa pagpatay sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.