Nag-withdraw nang matagal sa ATM sinigawan: Ano teh, kalahating milyon?

Nag-withdraw nang matagal sa ATM sinigawan: Ano yan, kalahating milyon?

Ervin Santiago - November 27, 2024 - 12:15 AM

Nag-withdraw nang matagal sa ATM sinigawan: Ano yan te, kalahating milyon?

FILE PHOTO

TALAGA namang nakakabwisit at nakakaimbiyerna kapag napakatagal ng taong may ginagawang transaction sa ATM o automated teller machine.

Mas lalo pang nakakairita kapag humahaba na ang pila pero parang walang balak umalis ang taong nasa ATM.

Karaniwang ginagamit ang mga ATM para sa withdrawal, deposit o fund transfer at pag-check ng balance sa isang bank account.

Usap-usapan ngayon sa social media ang naka-post sa Facebook page na “Klasik Titos and Titas of Manila” tungkol sa mga taong grabe kung tumambay sa ATM na akala mo’y pag-aari na nila ang machine.

“Pet peeve ko talaga yung parang nag Fafacebook sa ATM dahil sobrang tagal,” ang nakasulat sa caption ng post.

Baka Bet Mo: Nagnakaw ng ATM card ni Arci sa loob ng eroplano ‘di pa nahuhuli

Mababasa nga rito ang screenshot  ng kuwento ng isang netizen tungkol sa nakasabay niyang customer na halos 20 minuto na raw sa ATM na parang walang pakialam sa mga nasa likod niyang nakapila.

Sinigawan na nga raw ito ng isang nakapila ng, “Ano yan te? Kalahating milyon?”

Sabi naman ng admin ng nasabing FB page, baka raw may mga pautang ang nagwi-withdraw. Meaning, nagwi-withdraw ito mula sa ATM cards ng mga taong may utang sa kanya.

“Pero on a serious note sa mga may pautang dyan dapat po 2-3 cards at a time lang po gawin nyo. Tapos balik po kayo sa dulo ng pila.

“Give way sa iba na nangangailangan pag naman nawala yung pila solo nyo na ulit yung ATM,” ang bahagi pa ng caption ng nasabing FB post.

Narito ang mga nakakalokang reaksiyon ng mga netizens hinggil sa isyu.

“Same pet peeve, akala mo uubusin na yung laman eh hahahaha.”

“Kala mo nagte-tetris pa sa machine eh. HAHAHHAHAHAHA!”

“People should only do a maximum of 2 transactions in an ATM, as a courtesy to others in line. Kung marami talagang transaction, just fall in line again to let others complete their transactions.”

“Di ko kinakaya ung nagwiwithraw ng 10 atm cards juskwa hahaha!”

“Yung mga ganyan nirereport ko sa guard eh.”

“Yung iba kasi meron may pasanla ng atm. kaya ang tagal sobra.sinasabay sabay nila mag withdraw. minsan nakakapikon din.. sana kahit 2 atm at a time muna. then pagbigyan nya ung sususnod. then sya ulit. alternate ba. wlang konsiderasyon karamihan eii.”

“Shoutout po sa mga may negosyong lending sa ATM. Hindi niyo pag-aari ang mga ATM para magwithdraw ng 20 atm cards kahit na sobrang.haba na ng pila. Wag makapal ang pagmumukha. Yung iba sa inyo ilegal na nga ang tatapang pa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo mga ka-BANDERA, ano’ng take n’yo sa mga gumagamit ng ATM na parang gusto nang tumira sa loob ng machine? Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending