Nagnakaw ng ATM card ni Arci sa loob ng eroplano 'di pa nahuhuli

Nagnakaw ng ATM card ni Arci sa loob ng eroplano ‘di pa nahuhuli

Ervin Santiago - July 24, 2024 - 12:15 AM

Pagnanakaw sa card ni Arci sa loob ng eroplano 'di pa nare-resolve

Arci Muñoz at Boy Abunda

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagnanakaw sa ATM card ni Arci Muñoz sa loob ng isang eroplano.

Isang pasahero ang kumuha sa bag ng aktres habang nakasakay sa eroplano pabalik ng Manila mula sa ibang bansa kung saan nagtrabaho at nagbakasyon siya ng ilang araw.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” binalikan ni Arci ang naturang insidente na until now at hindi pa rin nare-resolve sa kabila ng mga kaukulang aksyon na ginawa niya.

Baka Bet Mo: Sino nga ba ang mystery guy na kasama ni Bea sa loob ng eroplano?

“What happened was I came from Japan, connecting flight, so may layover in Korea for like three hours and I [hung] out with my friends the night before, so I only had a couple of hours of sleep.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arci Muñoz 🌸らもな 🌻라모나 (@ramonathornes)


“Tapos po, when I was in the plane, so I… usually kasi nasa business class ka, so feeling ko naman walang gagalaw nu’n,” pagbabahagi ng premyadong aktres.

Ayon sa dalaga, iniwan niya ang kanyang bag sa cubicle ng eroplano, sa pag-aakalang safe ito dahil sa mga nag-iikot na flight attendants.

“Nu’ng pa-land na, there was a kind lady beside me, and she asked me, ‘Do you know this guy?’ And I was like, ‘No. I don’t know him.’

“And then I saw my bag in the aisle. It was already in the aisle. And then she approached the guy, ‘Why did you touch her bag?’

Baka Bet Mo: Arci Muñoz aminadong nabaliw sa BTS, natulog sa kalsada ng Korea: ‘Wala na akong pera kaya kailangan ko nang magtrabaho’

“Siyempre kagigising ko lang. Medyo naalimpungatan ako, ‘What’s happening?'” kuwento ni Arci.

Nang makuha na niya ang kanyang bag, agad itong binuksan ni Arci sa harapan ng airplane staff.

“I only checked po ‘yung card holder ko. Hindi po ako nagwa-wallet eh. It was there, my passport’s there. ‘Yun pala he took one of my cards na I didn’t notice ’til I got back sa Manila,” sabi ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Arci Muñoz 🌸らもな 🌻라모나 (@ramonathornes)


Tinawagan ni Arci ang kanyang bank at ini-report ang pangyayari ngunit parang sinisi pa raw siya at sinabing “negligence” on her part kaya nanakaw ang card niya.

“Sabi ko, ‘No. It was stolen,'” pahayag ni Arci. Paano raw mangyayari na nagamit ang card niya nang sabay sa Vietnam at Jakarta.

Ini-report din niya ang nangyari sa airline company ng eroplanong sinakyan niya pero hindi na raw siya binalikan ng nakausap niya roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala nang nagawa si Arci kundi tanggapin na lamang ang nasaklap na nangyari sa kanya. Sabi nga ng dalaga sa kanyang TikTok post last November, 2023, “It’s a dangerous world out there.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending