Sino ba ang mystery guy na kasama ni Bea sa loob ng eroplano?

Sino nga ba ang mystery guy na kasama ni Bea sa loob ng eroplano?

Reggee Bonoan - June 26, 2024 - 09:10 AM

Sino nga ba ang mystery guy na kasama ni Bea sa loob ng eroplano?

Bea Alonzo

FOLLOW-UP ito sa nasulat naming dito sa BANDERA na may bago nang boyfriend si Bea Alonzo pagkatapos mahiwalay kay Dominic Roque.

Ang content creator at talent manager na si Ogie Diaz ang nagbalita sa kanyang “Showbiz Update” vlog kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh na may bagong BF na nga si Bea base sa source niya na pinadalhan pa siya ng resibo.

Baka Bet Mo: RR boto kina Alden at Kathryn; Atom Araullo magpapalipad ng eroplano

Kasalukuyang nasa New York City, USA sina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh kasama ang anak ng una na si Erin Diaz na taga-video nila habang nasa Central Park.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Ipinakita nito ang mga larawan nina Bea at isang British guy na lulan ng Cathay Pacific pero paglabas ng eroplano ay magkahiwalay na.

Bungad ni Ogie, “Kung maalala n’yo na si Bea Alonzo ay idininay niya na may boyfriend na base sa panayam sa kanya na siya ay single at hindi siya in love.”

Hirit ni Mama Loi, “So, dininay ka niya?”

Natawa naman si Ogie sa tanong sa kanya ng co-host, “Pero siyempre maiintindihan naman natin si Bea kung saan siya nanggagaling ‘no? Pero ‘yun nga, e, me nakarating lang naman sa akin.

Baka Bet Mo: Inka Magnaye emosyonal sa first international flight, naantig nang marinig ang sariling boses

“’Yung isa kong source nagsasabing, ‘ah wala ba siyang dyowa ngayon? Single ba siya?’ Tinatanong ako (pero) hindi ko naman masagot!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


“Pero kasi sinasabi sa akin ng source ko, ‘sino ‘yung kasama ni Bea sa airport na lulan ng Cathay Pacific, siguro mga a week ago?’ ‘Yun nga, may kasama nga raw na foreigner si Bea pero magkahiwalay daw sila,” sabi ni Ogie.

Inilarawan ni Ogie ang paglalakad nina Bea at ng guy sa airport base sa mga larawang ipinakita sa vlog.

Tanong pa raw ng source ni Ogie, “’Yan ba ang ibinabalita mo Ogie? (sabay pakita nga ng mga larawan).”

“Sabi ko hindi ko alam kasi hindi ko naman siya talaga kilala pero may nagsabi naman sa amin na ex-boyfriend daw ito ni Kylie Verzosa.

“Kaya ang siste nga niya ay wala akong maisagot sa nagtatanong sa akin (dahil) hindi ko alam. Mas magandang si Bea na lang ang sumagot n’yan kung ano ‘yung kanyang rason bakit hiwalay sila sa pagpasok at paglabas ng eroplano.

“Pero sabi ng source ko, sa aisle ng eroplano ay magkatabi sila na parehong gilid, ‘yun ‘yung nasa window na solo-solo lang daw (business class).

“Yan ay nakakarating lang sa akin pero mas maganda kung si Bea ang sumagot no’n at kung magkaibigan lang sila, e, di at least nagkakaroon ng panahon si Bea sa kanyang sarili,” pahayag ni Ogie.

Samantala, tsinek naming maigi ang pigura ng pangangatawan ng lalaking dyowa raw ni Bea at ang lalaking sinasabing boyfriend ni Kylie na kaka-post lang niya sa kanyang Instagram account ng larawan nilang dalawa pero nakatalikod ang guy.

Medyo hawig ang pigura ng lalaking nakasabay ni Bea sa eroplano at ang lalaking pinost ni Kylie at medyo napaisip kami dahil iisa ang kulay at itsura ng sneaker na suot ng guy na parehong nauugnay sa dalawang aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Bea o ng kampo ng aktres tungkol sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending